SINIBAK sa puwesto ang apat na dating opisyal ng Special Action Force (SAF) kasunod ng reklamong plunder o pandarambong na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi ibinigay na halos P60 milyong allowance sa SAF troopers.
Sinampahan ng plunder at malversation of public funds sina dating SAF director at ngayo’y PNP directorate for integrated police operations Southern Luzon Benjamin Lusad, dating SAF budget at1 fiscal officer Senior Supt. Andre Dizon, at kaniyang staff na sina SPO2 Maila Salazar Bustamante at SPO1 James Irica.
“They have been relieved. Nasa holding unit na sila,” ani Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).
Nag-ugat ang reklamo sa daily additional subsistence allowance na hindi natanggap ng mga miyembro ng SAF nang ilang buwan noong 2016 at 2017.
Nagkakahalaga ng P900 kada buwan ang naturang allowance.