Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovely Abella

Lovely Abella, ready sa indecent proposal

DAHIL siya ang very sexy cover girl ng April issue ng FHM, tinanong si Lovely Abella kung ready ba siya kapag inulin ng indecent proposal mula sa mga DOM.

“Gusto ko nga po sanang may mag-offer sa akin ng ganoon, pero wala po talaga,” at tumawa si Lovely.

“’Yung kahit may mag-message lang sa akin kapalit ng house. Pero wala talaga, eh.”

Kung may mag-offer nga sa kanya?

“Kung mayroon po, pag-iisipan ko po,” pabirong sagot ni Lovely.

Pero nagbibiro lang siya, ayon nga kay Lovely.

“’Yung indecent proposal po, hindi po ‘yun ang nilu-look forward ko.

“Kasi alam ko na dahil sa trabaho ko, magkakaroon ako kung ano ang gusto ko at dahil ‘yun sa paghihirap ko.

“Hindi dahil sa proposal na ibinibigay sa akin.”

Mas gusto ni Lovely na pagtrabahuhan sa malinis na paraan ang anumang materyal na bagay na gusto niyang makamit.

“Alam ko na darating ang panahon, paunti-unti, magkakaroon ako ng bahay na gusto ko.

“Hindi ‘yung bigay lang, ‘yung pinaghirapan talaga,”  bulalas pa ni Lovely.

Samantala kung may hi­na­ha­nga­ang komedyante si Lovely sa ngayon, iyon ay ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Magkasama sila saSunday PinaSaya.

”Sobrang hinahangaan ko talaga si Ms. Ai-Ai delas Alas.

“Nakita naman natin na komedyante siya, sexy pa rin siya.

“Kasi, nakakatrabaho ko siya, sobrang professional niya.

“Isa ‘yun sa hinahangaan ko sa kanya, ‘yung pagiging professional niya,” saad pa ni Lovely.

Sa kabilang banda, dahil digital na ang lahat ng magazines ng Summit Media, kasama na ang FHM, maaaring si Lovely na ang huling cover girl ng hard copy ng naturang men’s magazine.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …