KAKAIBANG twist ng nakaraan ang handog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Cine Lokal ngayong Abril. Isang science fiction mula sa 2017 Cinema One Originals Independent Film Festival ang Throwback Today, na debut film ni Direk Joseph Teoxon.
Impressive ang line-up ng mga aktor sa pelikulang ito na pinangungunahan ni Carlo Aquino, kasama sina Annicka Dolonnuis, Kat Galang, Benj Manalo at Empress Shuck. Ipalalabas ito sa walong (8) SM Cinema ng Cine Lokal.
Nagkuwento si Carlo ukol sa pelikulang ito, “Iyong Throwback Today, tungkol siya sa isang lalaki na nakahanap ng isang desktop, luma niyang gamit na nakaka-chat niya ‘yung younger self niya. So ako iyon, ako ‘yung nakahanap. I’m playing the role of Primo.
“Si Primo sobrang successful noong college days niya, noong nag-aaral pa siya, lahat nape-praise mga projects niya, mga thesis, sobrang nabibigyan siya ng awards. Hindi pala ganoon after graduation, parang sinampal siya ng reality, e. Hindi niya alam kung paano iha-handle ‘yung ganoon, so parang nawalan siya ng gana, parang ayaw na niya. Nawalan na siya ng passion, nawalan na siya ng gana.
“Kasi, parang pinapaalis na siya roon sa apartment niya, tapos ‘yung job interviews niya, ayaw siyang makuha… sa ‘yun, ganoon si Primo.
“So chinat niya ‘yung younger self, ‘yung younger Primo para sabihin sa kanya, ‘O, iwasan mo, huwag mong gawin ito, hiwalayan mo ‘yung girlfriend mo.’ Pati love nag-a-advice? Hahaha!” Nakatawang saad ng kapamilya aktor.
Nagpasalamat din siya sa effort ni Ms. Liza Diño thru FDCP sa pagtulong sa mga indie films na tulad ng Throwback Today. “Sobrang grateful, sobrang laking bagay na nagpapalabas sila ng mga indie films. Kasi, dumating sa point ‘yung industriya natin ay pinapatay na ng mga pirata, ng mga ganyan. Sobrang laking bagay ng ginagawa ni Ms. Liza sa industry kaya thankful ako na binibigyan niya kami ng chance na ganyan, kasi ang daming young directors e, ang daming magagandang concept na ganyan na hirap na hirap na, paano natin ilalabas ito?
“Kaya salamat, salamat kay Ms. Liza at sa Film Development Council of the Philippines. Sana sa April 20 ay mapanood nila iyan, dahil kapag hindi ay ipu-pull out nila iyan after two days,” saad ni Carlo.
Pasukin ang mundo ng nakaraan at hinaharap sa pelikulang Throwback Today na mapapanaood sa walong (8) SM Cinema ng Cine Lokal: SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall and SM Bacoor: 1:00pm, 3:30pm, 6:00pm and 8:30pm.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio