Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, hirap sa pagpapakilig

KAPWA walang problema sina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa mga matured na eksenang kanilang ginawa sa afternoon serye sa ABS-CBN, ang Hanggang Saan.

Isa na rito ay ang bed scene nina Ana (Sue) at Paco (Arjo).

Ani Sue, hindi siya nahirapang gawin ito dahil pinrotektahan siya ng anak ni Sylvia Sanchez.

“Actually matagal ko na itong sinasabi, hindi ako nahirapang gawin ‘yon at all,” sambit ng dalaga. “Kasi ang partner ko grabe ako irespeto sa akin, grabe akong alalayan.”

Giit ni Sue, wala silang malisya nang gawin nila iyon.

Kapag si Paco at si Ana, sila lang ang may malisya. Kapag kami na ni Arjo magkaibigan talaga kami.”

Una kasing naging magkaibigan sina Arjo at Sue kaya walang malisya o ilangan kahit maselan ang gawin nilang eksena.

“Binuo muna namin ang pagkakaibigan, kaya mas madali nang gawin ang ganoong eksena. Very professional si Arjo at tinulungan niya ako sa ganoong eksena,” giit ni Sue.

Si Arjo naman ay super comfortable ding makipagtrabaho kay Sue.

“I feel comfortable, super comfortable kaya I’m looking forward working with Sue again and again. Walang ilang. No problem at all from the start. Siguro chemistry lang noong una, nangangapa kung paano maa-approach.

“I’ve never done the pakilig factor ng kaunti. There was a big adjustment. Walang ilang as Sue said were very good friends, very comfortable with each and every scene and I’m looking forward of working with her again.”

Sinabi pa ni Arjo na wala silang ilangan ni Sue simula pa lang ng kanilang teleseryeng Hanggang Saan dahil very propresyonal ang dalaga.

“From the very beginning walang ilang eh,” sambit ni Arjo. “I think she’s professional, she knows her character and hindi ko ma-explain we build this certain relationship on the set…sa six months alam ko na rin kahit paano ‘yung mood niya kapag seryoso o kalian siya tatawa, nakakapa ko na rin siya,” tuloy pang paliwanag ng actor.

Pagpapatuloy pa ni Arjo,”Walang malice, I really can’t find way to explain why I don’t feel ilang at all.”

Samantala, inuulan naman ng papuri ang Hanggang Saan simula nang umere ito sa telebisyon. Patuloy na itong inuulan ng papuri mula sa mga manonood para sa nakaaantig at kakaibang kuwento nito. Hinahangaan din tuwing hapon ang mahusay na pagganap ng cast nito, kaya naman araw-araw itong inaabangan at nangunguna sa national TV ratings.

Kaya huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Hanggang Saan sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …