BAHAGI pa rin ng Kapamilya Network ang 10 dekalibreng artista, singer, at TV host nang muli silang pumirma ng kontrata sa Kapamilya Network kamakailan.
Ang 10 ay pinangungunahan ng King of Talk na si Boy Abunda na patuloy na magsisilbing host ng mga programang The Bottomline, Tonight With Boy Abunda, at Inside the Cinema. Kasama rin dito si Martin Nievera na bukod sa pagiging mainstay sa noontime variety show na ASAP ang singer at songwriter na si Martin Nievera ay nakatakdang magkaroon ng talk show sa ANC.
Ang showbiz sweetheart na si Anne Curtis ay patuloy na magho-host ng daily noontime show na It’s Showtime. Samantala, ang mga host at momshies na sina Melai Cantiveros at Karla Estrada ay patuloy na magpapalaganap ng good vibes sa umaga sa Magandang Buhay.
Ang mga nagguguwapohang aktor na sina Jericho Rosales, Jake Cuenca, at Zanjoe Marudo naman ay patuloy na ipapamalas ang kanilang galing sa pag-arte sa kani-kanilang mga proyekto. Nakatakdang bumida si Jericho sa soap opera na ipapakita ang realidad sa likod ng buhay mag-asawa. Kasama ni Jake ang mga aktres na sina Bea Alonzo at Charo Santos sa horror film na Eerie. Samantala, abala si Zanjoe sa malapit nang umereng teleserye na pampamilya na Play House.
Sina Janella Salvador at Yam Concepcion ang kumompleto sa listahan ng mga muling nagpirmahan ng kontrata sa ABS-CBN. Abangan ang dalawa sa kani-kanilang mga proyekto. Mainit ang pagtanggap ng ABS-CBN kay Ryza Cenon na dating nagwagi sa isang reality talent competition, sa kanyang paglipat sa Kapamilya network. Lalabas si Ryza sa Dreamscape teleserye na The General’s Daughter.
Ang lahat ay pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN. Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng Broadcast Cory Vidanes, head ng Finance para sa Broadcast at News & Current Affairs Cat Lopez, at head ng TV Production Laurenti Dyogi.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio