DALAWAMPU’T PITONG taon nang nagtuturo ng sayaw ni Teacher Georcelle ng G Force kaya nahingan ito ng tatlong pangalan ng artista na maituturing niyang pinakamagaling magsayaw.
Ang top three para sa kanya na celebrities ay, “Sa tatlo siyempre nandiyan sina Sarah (Geronimo), Maja (Salvador), at Enrique (Gil). ‘Yan ‘yung mga active. Pero, pero, andiyan si Gary V., Billy Crawford, Vina Morales. Ang dami-dami and nasa estilo talaga siya ng pagsasayaw.
“Even, with G Force, it’s hard for me to say, who’s your top three? When all of them are good, but they all have different offers. So ‘yun ang mahirap.”
At game namang sinagot din ni Teacher Georcelle ang tanong kung sino ang top three niya na kailangan ng maraming workshop.
Aniya, “When you are committed and you know kung ano ang pinasok mo. Alam mo like si Grae Fernandez, anak ni Mark Anthony Fernandez, he’s not a natural dancer.
“In fact, challenge talaga siya when you give him cheorography. But! He’s very responsible. ‘Pag nagkamali ‘yan sa rehearsal, kaunting ganyan lang, alam niyang nagkamali siya, maya-maya, aayusin na niya. Ipa-polish niya at alam niya na, ‘mali ako, kailangang trabahuhin ko, kailangan kong ayusin.’
“Because they don’t wanna mess up on stage. And that’s the good attitude.
“Others, parang ano lang eh, they know that they can wing it, when they step on stage because, you will hear all the screams, wala na, ‘yun ang mahirap.”
Pero habol niya, “I love the determination of Grae.”
Sambit pa ni Teacher Georcelle, “mas mahirap turuan ang walang commitment. Kasi may mga marunong magsayaw, pero ayaw makinig. We don’t want that. Kasi hindi ka nagtuturo, nagdidisiplina ka.”
Samantala, noong April 7 nagkaroon ng soft opening ang bago at ikalawang branch ng G-Force Dance Center na matatagpuan sa Festival mall, Alabang.
Ani Teacher Georcelle, naisipan nilang mag-asawa (Angel Sy) na magtayo ng dance studio sa 3rd floor ng Festival Mall dahil sa rami ng mga nagre-request sa kanila. “Nag-open tayo sa Alabang because there’s really a demand from the people from the South. It’s really challenging for them to come to Quezon City (Il Terrazzo).
“For how many years ang daming nagre-request sa amin, they’ve been sending e-mails, ‘Mag-open naman kayo sa South.’ Ang daming nag-aabang ng G-Force. The minute we announced, grabe ang response ng mga tao. It is also a sign of growth for G-Force. Every year naghahanap kami ng isang magsi-symbolize, ano ang improvement for this year? Ano ang bago sa atin? Paano natin masasabi na may growth tayo, the Alabang branch is one ‘Humbaaam’ sign,” sambit pa ng magaling na teacher sa sayaw.
Bukod sa growth na ito, magsisimula na rin ang pinakamalaki at pinakasikat na dance workshop sa bansa. Ang G-Force Project na pang-11 taon na ngayon.
“G-Force project is now a series. It’s still the biggest, grandest summer dance workshop in the Philippines and that’s really our claim because it is the grandest, it is the biggest. Last year we had 1,600 students, to mount a show for 1,600 students, it was entertaining still but kind of a long wait for the most of the parents. This is our gift for them. You can go to one, you can go to two, you can go to three shows if you want. But the wait is not going to be that long. We learned from our experiences and breaking it into three parts will really make a lot of difference and it will be really, really more improved 2-hour show,”
“Ang pride namin dito sa G-Force, home-grown choreographers, that’s our pride and exclusivity, they don’t teach in other schools or studios. Kung ano ang napapanood n’yo sa ASAP, kung ano ang napapanood n’yo sa mga concert, kung sino ang nagtuturo kina James Reid, Nadine Lustre, Sarah Geronimo, those are the people, choreographers who will train them, who will handle them. Kumbaga, ‘yung mga galawang nakikita n’yo, ‘yung nagtuturo kay Maja Salvador kay Sarah Lahbati, lahat ‘yan, ‘yan ang mae-experience ng mga estudyante. This is an experience of a life time,” giit pa ng founder at Artistic Director ng G-Force.
Sa The Theater ng Solaire gaganapin ang G-Force Project 2018 Summer Dance Workshop concert series sa June 8, 12, at 16. Ito ang magsisilbing culmination ng lahat ng mga estudyanteng mag-e-enroll sa dance workshop. Matatandaang sa Araneta Coliseum at MOA Arena ginaganap ang culmination sa mga nagdaang G-Force Project kaya ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na idaraos ito sa isang theater.
“I really want to give the students the theater training. They will do their own make-up. There will be quick costume change na sila-sila lang and walang katulong but you have your own space. You have your mirror, you will feel that you are really a performer. Sariling sikap lahat, that’s the training that I want to give them. For those who are interested to join the program, they can dial 0917-8GFORCE (436273) or 02-7096077 for inquiries. They can also download our mobile app (G-Force Dance Center). They will be trained by celebrity teachers and choreographers of G-Force Dance Center,” sambit pa ni Teacher Georcelle.
ni MARICRIS VALDEZ-NICASIO