Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy ni Ryan, lilipad ng ‘Pinas para manood ng DOTGA

MASAYANG ibinalita ni Ryan Bang na dadalo sa premiere night ng pelikula nila ni Kim Chiu, ang Da One That Ghost Away ang kanyang Mommy.

Sa April 18 mapapanood ang DOTGA at kauna-unahang pelikulang pinagbibidahan ni Ryan. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan niya at pasasalamat na pinagkatiwalaan siya ng Star Cinema.

Nakakuwentuhan namin si Ryan sa media con ng DOTGA at nabanggit nitong ang mga magulang pala niya mismo ang nagpadala sa kanya sa Pilipinas dahil nagkaroon ng problema ang mga ito.

“Hindi ko alam kung bakit dito (Manila) nila ako ipinadala. Basta sabi ng Mama ko magbakasyon muna ako rito sandali kasi may problema po kami sa pamilya. Kaya nagpunta ako rito.

“Thirteen years na akong nandito. May kaibigan dito si Mama ko. Roon ako tumira, Koreano rin siya,” kuwento ni Ryan.

Naikuwento rin nito kung paano siya nasama sa PBB Teen Clash noong 2010 na si James Reid ang nanalo. “Student council ako sa school tapos nag-speech po ako, natuwa ‘yung isang magulang doon, writer pala siya ng ‘PBB’, kaya kinuha ako,” pagkukuwento ni Ryan.

Hindi maikakailang masaya si Ryan sa ‘Pinas na bukod sa DOTGA ay regular na napapanood, mula Lunes hanggang Sabado sa It’s Showtime at Sana Dalawa Ang Puso sa ABS-CBN. Dagdag pa rito ang gagawin nilang pelikula nina Zanjoe Marudo at Empoy, ang Kusina King.

Kaya naman kahit hindi niya tanggapin ang ilang offers sa Korea ay okey. Pero sambit ni Ryan, tinanggap niya ang offer na hosting job sa Korea at ilang guesting.

“Last Saturday napalabas ako sa Korea, ‘yung ‘Battle Trip’ ng KBS. Malakas ang show na iyon. Nag-taping kami sa Boracay, pero Korean show iyon.

“May offer din sa akin iyong ‘Video Star,’ dapat ang taping namin sa April 19, pero hindi ako pumunta kasi siyempre iso-showing na ang pelikula namin.

“‘Tapos ‘yung Infinite Challenge, translator ako ni Sen. Manny Pacquiao.

“Okey naman ‘yung mga Korean offers sa akin kasi ‘yung mga guesting ko tungkol sa Philippines. ‘Yung ipino-promote ko ang Pilipinas,” sambit pa ng komedyante.

Bagamat maraming offers sa Korea at siyempre malaki ang ganansiya niya roon, sa Pilipinas pa rin siya mananatili dahil aniya, “Gusto ng mommy ko magtrabaho ako sa Korea kasi malaki ang offer. Pero gusto ng daddy ko rito ako sa Pilipinas. Kasi tinanong ako ng daddy ko sabi niya ‘kung saan ka masaya roon ka dapat hindi dapat sa kung gaano kalaki ang makukuha mong suweldo. Kaya rito muna ako.”

Napaka-humble namang sinabi ni Ryan na hindi pa ganoon kalaki ang kinikita niya dahil umuupa pa lamang siya at wala pang sariling bahay. “Wala pa, simula pa lang ako eh,” giit nito.

At nang matanong kung ano ang gusto niyang mapangasawa, Pinay o Koreana, ang sagot niya, “Kahit sino basta kung sino ‘yung magustuhan ko.”

Ukol naman sa usaping may crush siya sa kanyang leading lady na si Kim, kinlaro niya ito. “Totoo ‘yun pero hindi ko naman siya liligawan. Crush lang, siyempre may relasyon naman sila ni Xian (Lim). Wyaw ko namang guluhin, respeto ko na lang. Ang bait naman ni Kuya Xian. Crush lang hanggang diyan lang ako. Maganda rin naman ‘yun sa pelikula.”

At nang matanong kung sino ang gusto nyang makasama sa pelikula, aniya, “Hindi naman ako choosy, hindi naman ako mapili. Hindi naman ‘yung skills ko na sobrang galing para piliin ko ang makaka-partner ko. Sobrang guwapo ba ako? Hindi naman ako ganoon. Kung sino darating sa akin, siyempre tatanggapin ko.”

Pero kung may choice ka,  sino ang gusto mong maka-partner, tanong naming. “Si Tita Malou Santos. Basta si Tita Malou,” giit pa niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …