Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

18-30-anyos 2 beses boboto — COMELEC (Sa Barangay, SK polls)

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang tinatayang 20 milyon botante para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 14 Mayo, dahil ang age bracket para sa mga eligible bomoto sa kategoryang ito ay pinalawig hanggang 30-anyos.

“Mas maraming boto ang bibilangin. Sa SK elections, we’re looking at about 20 million voters now, na dati ang average mo, mga two, three, four million lang ‘yan kasi 15 to 17 [years old] lang dati,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez kahapon.

“E ngayon, since expanded na ang electorate ng SK, 15 to 30 [years old], then about 20 million [voters] nga ‘yan,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Jimenez, ang mga botanteng may edad mula 15 hanggang 30 anyos ay ikinokonsidera pa rin bilang “youth” kaya sila ay maaaring bomoto para sa SK elections.

Gayonman, ang mga maaaring tumakbo para sa SK posts ay nararapat na 18 hanggang 24-anyos.

“So ‘yung younger youth or younger adults, sila ‘yung puwedeng tumakbo under the SK,” aniya.

Dahil sa bagong sistemang ito, ang mga botanteng may gulang na 18 hanggang 30-anyos ay tatanggap ng dalawang balota, upang makaboto sila para sa barangay at SK, ayon kay Jimenez.

“Ang mga botante from 18 to 30 years old will be receiving two ballots, one to allow them to vote for SK, the other to vote for the barangay,” aniya.

“Voters older than that will just get one ballot. Voters younger than that, 15 to 17 [years old], will just get one ballot as well, ‘yung SK ballot,” dagdag niya.

Ang May 2018 barangay and SK elections ay dalawang beses nang naiurong, makaraan itong iliban mula Oktubre 2016 at Oktubre 2017.

Bagama’t ang election period ay opisyal nang nagsimula nitong 14 Abril, ang campaign period ay magsisimula sa 4 Mayo at magtatapos sa 12 Mayo.

Hataw News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …