Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalaga ni Kring Kring, ayaw mag-artista

NAPAKA-BONGGA ang ginawang single launching ni Sofia Romualdez, anak nina dating mayor Alfred Romualdez at kasalukuyang mayor ng Tacloban na si Cristina Gonzalez-Romualdez, ang Thinkin’ of U ng Viva Records.

Tulad ng sinabi ng isa sa aming kolumnista rito na si Kuya Ed de Leon, bukod-tanging si Sofia na lamang ang nakagawa ng ganoong klase ng paglulunsad.

Napaka-talented pa ni Sofia na napag-alaman naming bata pa man (ngayo’y 18-anyos na siya) ay lumilikha na ng awitin.

Aniya, ”Music was always in me, there was never really a time where it wasn’t my passion. I never really saw mayself doing anything else besides music gorwing up.”

Kaya naman siguro nasabi niya sa second single launching niya na, ”I don’t wanna be a star. I just wanna make music,” nang may magtanong kung gusto rin niyang sundan ang yapak ng kanyang ina, ang mag-artista.

Ang Thinkin’ Of U ay ikalawa sa unang single niyang Pikit Mata na kasama sa soundtrack ng Viva Films movie, FanGirl FanBoy.

Sinabi pa ni Sofia na gusto niyang tulungan ang OPM. ”I wanna help OPM and I wanna make good music for everyone. I love music, that’s what I’ve always wanted to do and that’s what I see myself doing forever.”

Marami nang kanta ang nabuo ni Sofia at nais niyang maging unique sa larangang ito. ‘Ika niya, ”I don’t really write to sell, it defeats the purpose of being ang artist. Being yourself is key, it’s better to sound weird than to sound like every other ‘artist’ in the market. We shouldn’t be afraid to express ourselves, that’s the point of being an artist after all.”

Na siyang totoo naman dahil naiiba ang klase ng musika ni Sofia. Naiiba na in the sense, maganda at tiyak na kagigiliwan ng mga music lover.

Naniniwala akong marami pang ibubuga ang dalagitang ito kung musika din lang ang pag-uusapan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …