Saturday , November 16 2024

Banta ni Tugade ; Pasaway sa MRT asunto walang areglo

INIUTOS ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng MRT na sampahan ng kaso ang mga pasaherong sasandal o pilit na magbubukas sa pintuan ng tren.

Magugunitang nitong Biyernes, nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa nang magkaroon ng “door failure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito.

Ito ang unang unloading incident na naitala simula 2 Abril sa loob ng 11 araw.

“There was someone who put pressure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It’s not about parts, it’s about this passenger. My instruction, identify this person,” sabi ni Tugade sa isang business forum sa Pampanga.

“From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect damages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina.”

Nitong nakalipas na mga araw, ipinagmalaki ng pamunuan ng MRT na umakyat na sa 15 hanggang 17 ang bilang ng mga tumatakbong tren makaraan ang pagdating ng bagong spare parts at general maintenance noong Semana Santa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *