Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnold Reyes, thankful na nakatrabaho sina Sylvia, Arjo at Ariel sa Hanggang Saan

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ni Arnold Reyes. Sunod-sunod ang proyekto ngayon ni Arnold. Malaking bagay sa kanyang career ang pelikulang Birdshot, na bukod sa distinction bilang kauna-unahang Filipino film ng streaming service na Netflix, ito rin ang naging official entry ng Filipinas para sa Foreign Film Category ng 2018 Oscars.

Sa ngayon, after ng teleseryeng  Wildflower ay napapanood naman siya sa Hanggang Saan na tinatampukan nina Ms. Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Sa pelikula naman, kabilang sa ginagawa niya ang Signal Rock ni Direk Chito Roño na pinagbibidahan ni Christian Bables at isa pang pelikula under Direk Yam Laranas.

Mapapanood din si Arnold sa Web Serye na Tokhang sa Cignal TV.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Hanggang Saan, marami pa bang eksena ang kaabang-abang dito?

Sagot ni Arnold, “Marami pa po… maraming twist at revelations para manaig ang katotohanan na dapat abangan ng viewers.

“Sobrang, thankful po ako sa GMO Entertainment Unit for giving me the oportunity to work with brilliant actors, directors, creative and production staff, happy ako at finally naka-work ko na si Ariel Rivera na kapatid ko sa Backroom Incorporated at siyempre ang magaling na mag-inang sina Ms. Sylvia Sanchez at Arjo Atayde… at sa lahat ng magagaling na actors ng Hanggang Saan.

“Lagi kong nilo-look forward mag-shoot dahil ang gaan at masaya ang set namin at kapag eksena naman, talagang mararamdaman mo ang passion ng bawat isa, ang sarap nilang lahat kaeksena,” masayang esplika ng actor na nagsimula sa teatro noong early 90s.

Ano pa ang wish mong mangyari sa career mo?

“Wish ko po na maraming magagandang role pa sa pelikula ang aking gampanan, mga roles na magiging inspirasyon ng mga tao. Kasi, naniniwala ako na bawat role na ginagampanan namin ay may epekto po sa mga manonood, kaya po gusto ko ‘yung mga roles na may mapupulot na aral ang mga tao sa story ng buhay nila.

“Gusto ko po sa pamamagitan ng mga pelikulang ginagawa ko ay maging inspiration din para sa mga actor na nagsisimula pa lang na huwag lang tumigil sa paggawa ng pelikula, dahil every film is a learning process,” aniya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …