Thursday , May 15 2025

4 bata, 1 pa tigok sa amok (suspek utas sa parak)

SIRAWAI, Zamboanga del Norte – Patay ang apat bata at isang lalaki makaraan pagtatagain ng isang amok na hinihinalang adik, nitong Sabado.

Ngunit napatay rin ang 34-anyos suspek makaraan mang-agaw ng baril sa pulis.

Ayon sa pulisya, unang inatake ng suspek ang dalawang batang edad 10 at 11 habang naglalaro kasama ang kanilang ama sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Pulang Lupa.

Binawian ng buhay ang tatlong biktima dahil sa sugat sa kanilang leeg.

Sunod na pinaslang ng suspek ang dalawang 7-anyos bata sa kalapit na quarrying site.

Agad nadakip ang suspek na hinihinalang lango sa droga, ayon kay Chief Insp. Pocholo Guerrero, hepe ng Sirawai police.

Dinala aniya sa pre-sinto ang suspek, ngunit nakatakas nang magpaalam na gagamit ng banyo, nitong Linggo ng madaling-araw.

Nakorner siya sa sementeryo makalipas ang isang oras ngunit inagaw ang baril ng isa sa mga pulis kaya binaril siya ng mga awtoridad.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *