Tuesday , May 13 2025
road accident

3 patay, 5 kritikal sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Argao Cebu)

PATAY ang tatlo katao habang lima ang nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan makaraan mag­karambola ang apat sa­sakyan sa bayan ng Argao sa lalawigan ng Cebu, nitong Linggo.

Kabilang sa sangkot sa karambola dakong 10:30 am sa Brgy. Taloot, ang kotse, SUV, trailer truck, at multi-cab.

Ayon sa ulat, nahulog sa gilid ng highway at bumaliktad ang trailer truck.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Argao, ngunit pahirapan ang pagsagip sa mga sugatan dahil naipit sila sa nagkayupi-yuping sasakyan.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang isang 4-anyos biktima, habang sa ospital namatay ang dalawang iba pa.

Ang limang sugatan ay nasa kritikal na kondisyon sa magkakahiwalay na mga pagamutan sa Cebu.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *