Sunday , April 13 2025
road accident

Misis, anak, 1 pa patay sa trike vs SUV (Kamamatay ng mister sa ospital)

BACOLOD CITY, Neg-ros Occidental – Binawian ng buhay ang tatlong miyembro ng pamilya habang apat ang sugatan nang magsalpukan ang tricycle at SUV sa siyudad na ito, nitong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Erlinda Villar, anak niyang si Melinda Tesoro, at kamag-anak na si Rodelyn Nacis.

Habang sugatan sina Elvis Villar, Geralyn Villar, Merlinda Barcenas, at isang 16-anyos dalagita.

Ayon sa ulat, galing ang pitong miyembro ng pamilya sa ospital dahil namatay ang mister ni Erlinda, nang mangyari ang insidente.

Ayon kay SPO2 Jun Garong, traffic investigator ng Police Station 4, papunta ang mga biktima sa bayan ng Murcia sakay ng tricycle na minamaneho ni Elvis.

Habang binabaybay nila ang Brgy. Villamonte, binangga umano ito ng isang SUV bago mag-1:00 ng madaling-araw.

Tumilapon ang mga biktima habang nasira ang harapan ng sasakyan sa salpukan.

Dagdag ni Garong, matulin umano ang takbo ng SUV at napunta sa kabilang linya. Hinihinalang nakainom ang driver nito.

Hindi nagbigay ng komento ang driver ng SUV nang kuhaan ng pahayag hinggil sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *