Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Lola, 5 pa arestado sa P1-M shabu

ARESTADO ang limang hinihinalang drug perso-nalities, kabilang ang isang 65-anyos lola sa ikinasang magkahiwalay na drug buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa  ng gabi.

Batay sa ulat ni  PO3 Rodney Dela Roma, dakong 10:30 pm nang magsagawa ng buy-bust ope-ration ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD), sa pamumuno ni PSI Cecilio Tomas Jr., laban  kina Johairah Ca-mid, 65; at Jamilon Mustafa, 20, sa labas ng kanilang bahay sa Doña Helen, Matrix Village, Brgy. 177.

Nang iabot  ng mga suspek ang sachet ng shabu kay PO2 Edimar Cui na umaktong poseur-buyer, kapalit ng P2,000 marked money, agad silang inaresto ngunit nakatakbo si Mustafa kaya hinabol ng mga operatiba hanggang mahuli.

Narekober sa mga suspek ang dalawang transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, tinatayang mahigit P1 milyon ang street value at ang buy-bust money.

Nauna rito, swak din sa kulungan ang mga suspek sa buy-bust ope-ration dakong 9:00 ng gabi, sa harap ng Puregold sa Zabarte Road, Brgy. 174, na kinilalang sina Motalib Ditucalan, 29,  at Abdul Cader Datu-Haron, 27, kapwa residente sa San Jose Del Monte; at Abul-Khair Sangcopan, 32, re-sidente sa Quiapo, Maynila.

Anim plastic sachet ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money ang narekober sa mga suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …