Sunday , April 13 2025

4 Chinese nat’l, 4 Pinoy tiklo sa shabu lab

APAT Chinese national chemist at apat Filipino ang arestado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na pagsalakay sa pagawaan ng shabu at ecstasy sa isang farm sa Brgy. Sto. Niño, Ibaan, Batangas kahapon.

Sa ulat kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang dayuhan ay sina Tian Baoquan at Guo Zixing, kapwa ng Jianjiang, Fujian, China, habang ang mga Filipino ay sina Eduardo Lorenzo, 59, electrician; Rosaleo Cesar, alyas Leo, 49, driver; at Amancio Gallarde, 40, errand boy.

Nadakip ang mga suspek sa isinagawang pagsalakay ng pinasanib na puwersa ng PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS), sa ilalim ni Director Jigger Montallana, PDEA Special Enforcement Service (SES), sa ilalim ni Director Levi Ortiz, Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Batangas PPO.

Sinalakay dakong 6:00 am ang hinihinalang shabu lab sa Hingoso Farm sa Brgy. Sto. Niño, sa bisa ng search warrant.

Nakompiska sa shabu lab ang iba’t ibang kagamitan at mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu at ecstasy tulad ng phenyl, propanone, methylamine, acetic acid, sodium hydroxide, sodium acetate, potassium iodate, sodium sulfate, tartaric acid, boric acid, methanol, ethanol, ammonium hydroxide, at safrole.

“The shabu laboratory has the capacity to produce 25 kilos or P125 million worth of shabu in one day,” pahayag ni Aquino.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, nadakip ang isa pang Chinese chemist na si Hong Dy, at Nestor Baguio, driver, sa Lipa City, Batangas.

Habang sa operasyon na Merry Homes, Brgy. Francisco, Tagaytay City, nadakip si Xie Jiansheng, Chinese organizer at handler ng arestadong chemists.

Si Xie ay nakompiskahan ng 500 grams, na P2.5 milyon ang halaga.

Ayon kay Aquino, sina Baoquan, Zixing, Dy at Jiansheng, ang nagtayo ng shabu lab, at pawang miyembro ng ”Golden Triangle,” kilalang grupo na kumikilos sa borders ng Thailand, Laos at Myanmar.

Samantala, ayon sa ulat ng Chinese intel­ligence, ang shabu and ecstasy-producing laboratory ay pag-aari ng isang Hong Kong-based drug kingpin/financier. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *