Tuesday , December 24 2024

Leni sinopla ni Imee (Sablay ang speech sa London)

“HELLO nasa earth ka ba?”

Reaksiyon ito ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa tinawag niyang sablay na speech at mali-maling datos na inihayag ni vice president Leni Robredo sa London School of Economics.

Sinabi ni Robredo sa kanyang speech nitong Biyernes sa nasabing paaralan sa London na maraming lugar sa bansa ang nasa talaan ng top 20 poorest provinces kabilang ang Ilocos Norte.

Pero ayon kay Gov. Imee, ito ba ay simpleng kaso ng sablay na pagbasa sa official data o intensiyonal na pag-atake sa pamilya ng karibal niya sa politika?

Batay umano sa pag-aaral ni Ateneo School of Government dean Ronald Mendoza, sinabi ni Robredo, 10 lalawigan na may highest dynastic share noong 2016 election ang palagiang nasa top 20 poorest provinces mula noong 2004.

Ito ang mga lalawigan ng Maguindanao, Sulu at Lanao del Sur sa Autonomous Region in Muslim Mindanao; Batangas at Rizal sa Calabarzon region; Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija sa Central Luzon; at Pangasinan at Ilocos Norte sa Ilocos region.

Sinisi umano ni Robredo ang kahirapan ng nasabing mga probinsiya dahil sa political dynasties.

Mabilis na sinalag ni Gov. Imee ang pahayag ni VP Leni, at sinabing ang mga lalawigang binanggit ng huli ay pawang nasa top 20 richest provinces sa bansa, na malinaw na sinabi ng Philippine Statistics Authority.

“Mali-mali ang sinasabi. Epal talaga!” ani Gov. Marcos sa panayam.

“She can easily check her data with experts, especially government agencies like the National Economic Development Authority (NEDA) or the Philippine Statistics Authority if she wants a more accurate readings on the state of poverty in the provinces,” ani Gov. Imee.

“For the record, ang Ilocos Norte ay laging isa sa mga lalawigan na may mababang poverty incidence sa mga ginawang pagtatasa sa mga nakaraang dekada at hindi top 20 poorest provinces,” ani Marcos.

Sa opisyal na datos mula sa Philippine Statistics Authority, ang Ilocos Norte ay may 13.7% poverty incidence sa pagtatasa noong 2006; 11.1% noong 2009; 8.4% noong 2012; at 3.3% noong 2015.

Sa pinakabagong tala ng Ilocos Norte Provincial government idinagdag na nakamit ang 16.7% economic growth noong 2013-2014 kompara sa 5.72% regional growth at 6.13% sa national level.

Kapuna-puna rin umano ang pagbaba ng unemployment rate sa lalawigan mula 37% noong 2010 hanggang 4.2% sa kasalukuyan.

Ayon kay Gov. Imee, ang Ilococs Norte ay isa sa ilang lalawigan na nakakamit ang Millennium Development goal sa pagpapabagsak sa kalahati ng poverty rate.

Sa opisyal na rekord ng Ilocos Norte tourism office,  mahigit 1.6 milyon turistang lokal at dayuhan ang bumisita sa Ilocos Norte noong 2015 kompara sa 259,148 naitala noong 2012.

Sinabi ni Gov. Imee, mismong si Robredo ay dalawang beses pumasyal sa probinsiya kasama ang kanyang mga anak, “so I guess she should have observed the developments in the province and in the lives of the people.”

“Kung gustong tumulong ni Leni, tulugan niya ang mga kababayan niyang Bicolano,” pagwawakas ng Gobernador.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *