Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Japanese nasagip, 3 kidnaper arestado sa Bulacan

NASAGIP ng mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police, ang isang Japanese national sa Bulacan at arestado ang tatlong kidnapper, kabilang ang isang puganteng kababayan ng biktima.

Sinabi ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang Japanese na si Yuji Nakajima ay nasagip kasama ng isang Verhel Lumague, noong 5 Abril dakong 3:00 pm sa Plaridel, Bulacan.

Ang 32-anyos na si Nakajima, isang turista at residente sa Higashimukojima, Sumida-ku, Tokyo, Japan, ay dinukot noong 22 Marso.

Ang mga suspek na sina Roberto Reyes, Reggie Reyes, at Miyashita Takashi ay nadakip ng AKG operatives makara­ang si Superintendent Takayashi Nakayama, kasama ang tatlong kinatawan ng Embassy of Japan, ay humingi ng tulong sa AKG nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga kidnaper.

Ang passport ni Takashi, na isa ring Japanese national, ay kinansela noong 11 Setyembre 2015.

Patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad laban sa iba pang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …