Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez Lotlot de Leon Maxine Gutierrez Chihuahua dog died

Pamilya ni Lotlot, sobrang nalungkot sa pagkamatay ng alagang Chihuahua

PARANG pinagsakluban ng langit at lupa si Lotlot de Leon nang namatay ang isa sa mga alagang aso nito noong Huwebes ng hapon.

Kasalukuyang nasa Batangas ang aktres nang tawagan ito ng kasambahay niya para sabihing namatay ang Chihuahua nitong si Scotch matapos biglang sumuka ng dugo.

Walang sakit ang Chihuahua ni Lotlot kaya ganoon na lamang ang pagkagulat at pagka­lungkot ng aktres.

La­bi­ng-apat na taon ng alaga ni Lotlot at ng kanyang mga anak si Scotch; miyembro ng pamilya ang turing nila rito kaya naman matinding kalungkutan ang nadama ng mga ito.

Halos hindi makapagsalita sa matinding sama ng loob ang bunsong anak ni Lotlot na si Maxine Gutierrez na kasama ni Lotlot sa Batangas nang maganap ang nakalulungkot na pangyayari.

Kahit si Janine Gutierrez, na nasa Bali, Indonesia para sa isang event, ay umiyak din ng todo nang nalaman ang nangyari sa kanilang pinakamamahal na alaga.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …