Monday , December 23 2024

Mike Magat, humahataw bilang aktor at director

IBANG career path para kay Mike Magat ang pagiging mo-vie director. Mula sa pagiging artista ay nalilinya siya ngayon sa pagiging director. Ang matindi pa, pang-international market ang pelikulang kanyang ginagawa.

Aminado si Mike na hindi niya inaasahan ang mga pangyayaring ito. “Hindi ko inaasahan na mapapansin ang sample ng ginawa ko. Noong una, parang wala lang akong magawa kaya nag-try ako mag-video or gumawa ng short film habang naghihintay ako ng mga labas ko sa TV. Hayun at sinubukan ko lang magdirek ng isang film noong 2015, ang Isang Hakbang na bida sina Snooky Serna at Miguel Antonio. Nabigyan ito ng award sa Singkuwento International Film Festival.

“After this, sumunod na ‘yung Sikreto sa Dilim na pinost ko lang sa Facebook at nagustuhan naman sa ibang bansa. So, roon nagsimula na ang pagiging director ko, inimbitahan na ako sa US para magkaroon ng screening sa Basilla Women’s Foundation at hindi ko expected na mabigyan ako ng award, ‘yung Independent Achivement award sa International Film Festival Manhattan New York last October 18, 2017 at doon ay may nakilala ako na gustong mag-produce at ako ang director,” saad ni Mike na kinilala rin sa Film Development Council of the Philippines’ 2018 ambassador Award.

Sa ngayon, ginagawa niya ang pelikulang Turista na sa iba-ibang lugar ang shooting tulad sa US, Taiwan, Hong Kong, Macao, Japan. Isang action-drama ang tema nito na parang James Bond daw ang peg na nagto-tour siya sa iba’t ibang lugar.

Pero mula sa pagsabak bilang director, hindi naman niya kinakalimutan ang pagiging actor. “Part na rin ako ng TV series ng GMA-7 na Contessa na ang bida ay sina Glaiza de Castro, Geoff Eigenmann, Jak Roberto, at iba pa. Ang role ko rito ay si Berto, kanang kamay ni Techie Agbayani.

Ano ang magiging priority mo, acting or directing? “Priority din ang acting, pero kapag walang taping o shooting as actor, directing naman. ‘Ika nga, para hindi ako maiinip. Kasi, parehong mahalaga sa akin at minahal ko na po ang showbiz at naniniwala ako na kapag minahal mo ang iyong trabaho at positibo lang sa lahat kasama ang panalangin, mararating mo ang mga mithiin mo.

“Kaya thakful ako sa GMA 7, dahil may puso talaga sa mga artistang patuloy na nangangarap at nagsisikap sa buhay para sa pamilya. Lalo na sa katulad ko po na gustong ipagpatuloy ang hirap ng mga naranasan ko mula nang ako’y nagsimulang pumasok sa showbiz na kahit mabingit sa kamatayan, handa ako para magawa ko ang aking trabaho,” saad ng aktor/direktor.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *