Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Aktor, talamak pa rin sa pagtsotsongki

WALANG lugar na hindi sinusumpong ang aktor na ito ng kanyang bisyong minsan nang nagpahamak sa kanya.

Ayon sa tsika ng aming source, minsan daw ay napadpad ito sa isang lalawigang pasyalan ng mga local tourist. Dinarayo kasi roon ang malawak na dagat.

“Huling-huli ko talaga ‘yung aktor na ‘yon na idol ko pa mandin, may baon siyang sandamkmak na tsongki (marijuana) at doon siya sa loob ng sasakyan niya ‘yon tinitira!”

Pero in fairness sa male celebrity na ‘yon ay kuntento na raw ito sa paghitit ng damo. Hindi raw niya ito pinapartneran ng alak, ‘di tulad ng karaniwang nagbibisyo, “Kaso, para pa lang pugon kung magtsongki siya. Akala ko nga, eh, may bonfire o may nagsisiga malapit sa beach. Pero kahit open air pa ‘yon, amoy na amoy pa rin ‘yung usok!”

In fairness din daw, hindi naghahanap ng basag-ulo ang mahusay pa manding actor, “Basta solved na siya sa ganoon. Tahimik naman.”

Da who ang tinutukoy niyang actor na talamak umano sa pagtsotsongki? Itango na lang natin siya sa alyas na Martin Perfecto.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …