INAMIN ni Evasco, hindi sinusunod ng NFA ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paglalabas ng pahayag kaugnay sa isyu ng bigas na magdudulot ng pangamba sa publiko.
Ani Evasco, maraming kontra-mamamayang panukala ang NFA na ibinasura ng Council.
Paliwanag ni Evasco, kailangan bigyan proteksiyon ng Council ang interes ng gobyerno, at ang sapat na supply ng bigas para sa mga mamamayan.
Ang kolektibong pasya ng Council ang dapat masunod kung kailan bibili ng bigas, gaano karami at anong paraan ang ipatutupad at hindi ang NFA.
“Alam mo, marami silang proposals which were being shoot down by the Council. The Council will always have to protect the interest of government. The Council will always have to protect the people that there is always rice on the table. Thereby, the Council decides collectively: when to buy rice; at what volume; and at what mode of procurement to be used in buying,” giit ni Evasco.