Sunday , April 13 2025

NFA chief ‘delikadong’ masibak (4-M sako ng bigas ibenenta)

NAKASALALAY ang kapalaran ni National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino sa resulta ng special audit sa kuwestiyonableng pagbebenta ng apat milyong sako ng bigas ng ahensiya mula Oktubre 2017 hanggang Enero 2018.

“NFA should be audited regarding the release of NFA rice assuming to the market. Because from what we have gotten – from the reports of NFA – during October, November of last year and January of this year, there was an average of delivery of rice from the warehouse of NFA to outside at the average of one million bags per month,” sabi ni Cabinet Secretary at NFA Council head Leoncio Evasco Jr.

Kailangan aniyang maipaliwanag ni Aquino sa Commission on Audit (COA) ang dahilan sa pagbenta ng NFA rice sa panahon ng anihan ng mga magsasaka at sapat ang supply ng bigas sa buong bansa.

Habang sa panahon ng “lean months” o noong Hunyo, Hulyo, at Agosto 2017 ay mas kaunti ang ipinagbiling bigas ng NFA.

“Now, why will you release so much rice to the market when it is in time of the harvest season? Comparing this to the June, July, August, we found in the report that there was less rice given out to the market when at that time it was lean months. Meaning to say, there were few rice available in the market,” ani Evasco.

“So that’s the reason why we are asking COA to conduct an audit, if only to clarify things and maybe absolve NFA. That’s why I don’t want to pass judgment on that because it might preempt whatever findings COA would have on the matter,” dagdag niya.

Sa takbo aniya ng mga pangyayari, lumikha ng artificial shortage upang madiin ang Council at sisihin ng publiko.

Kamakalawa ay inihayag ni NFA North Manila chief Arnel Alfonso, ubos na ang kanilang stock para sa Metro Manila na nagdulot nang pagkaalarma ng publiko.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *