Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
customs BOC

Graft charges vs Customs official isinampa ng NBI

SINAMPAHAN ng kasong graft ang isang dating opisyal ng Bureau of Customs (BoC) kasama ang kanyang asawa at dalawa pang indibiduwal alinsunod sa kampanya ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa korupsiyon.

Kinilala ni NBI director Dante Gierran ang dating Customs official na si Atty. Larribert Hilario, dating hepe ng Customs Risk Management Office (CRMO) bago nagbitiw kamakailan.

Kasama sa sinampahan ng kaso sa Tanggapan ng Ombudsman ang misis ni Hilario na si Maria Concepcion at personal driver ng dating opisyal na si Dino Dotingco at isang Jerlie Adel.

Sinampahan ng NBI ang tatlo ng kasong paglabag sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 1379 o Act Declaring Forfeiture in Favor of Government of Unlawfully Acquired Property at falsification of public documents sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code.

Ayon sa record ng NBI, nag-ugat ang kaso laban kay Hilario mula sa report na natanggap ng NBI na may naimpok na ilegal na yaman ang dating Customs official.

Batay sa nasabing report, agarang nagsagawa si Gierran ng imbestigasyon at matagumpay na nakalikom ng mga ebidensiya mula sa BoC, kabilang ang mga certified true copy ng statement of assets, liabilities and networth (SALN); appointment paper at personal data sheet ni Hilario.

Bukod dito ay nakakuha rin ng mga record ang NBI mula sa Land Registration Authority (LTA), Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) at Manila Business Permit and Licensing Office (MBPLO) na nagtuturong lumabag sa batas ang dating Customs official kasabwat ang kanyang asawa, driver at si Adel.

(HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …