Saturday , November 16 2024

Bitay sa amo ni Demafelis kompirmado — Sec. Bello

INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Lunes, kinompirma ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Althawaikh ang paghatol “in absentia” sa mga amo ni Joanna Demafelis.

“Kuwaiti court convicted two employers of Joanna Demefelis and sentenced to die, i-enforce ‘yung maximum penalty of death,” pahayag ni Bello.

Sinabi ni Bello, inihayag sa kanya ni Althawaikh na maaari pang iapela ang mga amo ni Demafelis na sina Lebanese Nader Essam Assaf at Syrian Mona Hassoun, ang hatol na bitay sa kanila.

“Sabi nga ni Ambassador Althawaikh, they can appeal the case,” ayon kay Bello. “Kailangan bumalik sila para maka-appeal sila. They cannot appeal in absentia.”

Ang pagproseso sa hatol ay hindi pa malinaw dahil ang isa sa mga suspek ay nananatili sa kustodiya ng Syria na kasalukuyang nasa magulong sitwasyon.

“Hindi ko alam kung merong extradition treaty ang Kuwait with Lebanon and Syria. At kung meron man, may konting problema, complication lang kasi alam naman natin kapag sa extradition treaty, ‘yung national ng Kuwait ang (suspect) kaya pinapa-extradite nila,” paliwanag ni Bello.

“Pero dito kasi, ang (suspect) ‘yung Lebanese national. Ewan ko kung sakop ng treaty ‘yan,” patuloy niya.

Bagama’t matagal aniyang lumabas ang resulta, sinabi ni Bello na nagpakita ang Kuwait ng sinseridad sa kanilang pagsusumikap na resolbahin ang kaso ni Demafelis.

Ang paghatol sa mga amo ni Demafelis ay bilang pagtupad sa isa sa dalawang kondisyon na inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte para alisin ang deployment ban sa Kuwait.

Ang pangalawang kondisyon ay pagpirma sa memorandum of understanding (MOU) hinggil sa sa OFW labor conditions.

Sinabi ni Bello, nitong nakaraang buwan, pumayag ang Kuwaiti government sa mga kondisyon na itinakda ng Filipinas sa MOU.

Nagdeklara ng deployment ban sa Kuwait ang Filipinas at nagkasa ng pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa labor conditions ng Filipino workers nang matagpuan sa loob ng freezer ang bangkay ni Demafelis makaraan umalis ang kanyang mga amo sa Kuwait.

Si Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Arriola ay nakatakdang makipag-usap sa mga opisyal ng Kuwait hinggil sa labor law violations nang lumabas ang ulat hinggil sa paghatol ng Kuwaiti court laban sa employers ni Demafelis.

“This will give me the reason to consider recommending to the President a partial lifting of the deployment ban,” ayon kay Bello.

“I’m not prepared to recommend the lifting of the ban as far as household workers are concerned. Sa skilled workers, I may consider recommending to the President the lifting of the ban,” dagdag niya.

HATAW News Team

SENTENSIYA
IPINASUSURI
NI DUTERTE

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) na suriin ang ulat na hinatulan na ng korte sa Kuwait ng parusang bitay ang mag-asawang Lebanese at Syrian na suspek sa pagpatay sa OFW na si Joana Demafelis.

Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, ang atas ng Pangulo ay para matiyak na totoo ang balita lalo’t hindi naman nakakulong sa Kuwait ang mga suspek na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.

Ikatutuwa aniya ng Palasyo kung totoo ang balita dahil nangako sila sa mga kaanak ni Demafelis na bibigyan ng hustisya ang OFW na isinilid sa freezer ang bangkay nang halos isang taon.

Dagdag ni Guevarra, hindi lang ang Pangulo ang matutuwa kundi maging ang taong bayan na mahatulan ng bitay ang mga employer ni Demafelis.

Isa rin aniya sa mga tinitingnan ng pamahalaan ng Filipinas ang extradition treaty sa pagitan ng Kuwait, Lebanon at Syria para makuha ang mga suspek at maparusahan ng bitay sa Kuwait.

Matatandaan, hinatulan ng bitay “in absentia” ng Kuwaiti criminal court ang mag-asawang Assaf at Hassoun.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *