Monday , April 14 2025

Apelang piyansa ni Napoles tablado sa SC

KINATIGAN ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Sandiganbayan na hindi payagang makapagpiyansa ang umano’y mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Sa anim pahinang resolusyon ng SC, ibinasura ng mga mahistrado ang motion for reconsideration ni Napoles, na ginamit na katuwiran ang naging desisyon ng korte noong 2016 sa plunder case ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagalo-Arroyo kaya nakalaya ang huli.

Ngunit ayon sa desisyon ng SC, “unmeritorious” ang argumento ng kampo ni Napoles.

“The resolution of this issue does not involve an inquiry as to whether there was proof beyond reasonable doubt that Napoles, or her co-accused as the case may be, was the main plunderer for whose benefit the ill-gotten wealth was amassed or accumulated,” saad sa desisyon ng SC.

“It was sufficient that the denial of her bail application was based on evidence establishing a great presumption of guilt on the part of Napoles,” dagdag sa desisyon kaugnay sa pasya ng Sandiganbayan.

Sinabi pa ng kataas-taasang korte na dapat ipaubaya sa Sandiganbayan ang pasya sa mga inihahaing petisyon ng kampo ng depensa.

Noong nakaraang Nobyembre, kinatigan din ng SC ang naunang desisyon ng anti-graft court na huwag pagbigyan ang hirit ng kampo ni Napoles na makapagpiyansa.

Naniniwala ang mga mahistrado na hindi inabuso ng Sandiganbayan ang kanilang kapangyarihan.

Muling iniapela ng kampo ni Napoles ang naturang desisyon noong Disyembre at ginamit na katuwiran ang naging hatol ng SC noon nang baligtarin ang mga mahistrado ang ginawang pagbasura ng anti-graft court sa “demurrer to evidence” —o ang mosyon na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan at kahinaan ng ebidensiya ng kampo ng tagausig  sa kaso ni Arroyo.

Ngunit paliwanag ng SC sa desisyon nito sa mosyon ni Napoles, magkaiba ang usapin ng katibayan at kaso nina Arroyo at ng negosyante.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *