UMABOT sa pito katao ang napatay habang 811 ang arestado sa isinagawang mga operasyon kontra ilegal na droga nitong Semana Santa, ayon sa kompirmasyon ng Phi-lippine National Police (PNP) kahapon.
Nagkasa ang mga awtoridad ng kabuuang 505 anti-drug operations mula Sabado de Gloria hanggang Pasko ng Pag-kabuhay, pahayag ni ni PNP chief Director Gene-ral Ronald Dela Rosa sa pulong balitaan kahapon.
Aniya, pawang nanlaban sa mga operatiba ang pitong napatay na mga suspek.
Apat sa kanila ang mula sa Central Luzon, isa sa Calabarzon, isa sa Soccsksargen at isa sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nauna rito, sinabi ng PNP, nasa 4,000 na ang napapatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga mula nang ilunsad ito noong Hulyo 2016.
Habang inilinaw ni Dela Rosa na walang idinaos na Oplan Tokhang operation nitong Semana Santa dahil tuwing office hours lang maaaring hikayatin ng mga awtoridad ang mga drug user na sumuko at magpa-rehab.