Tuesday , December 24 2024

37 nalunod nang Semana Santa — PNP

UMABOT sa 37 katao ang nalunod sa paggunita sa Semana Santa, ayon sa ulat ni Philippine National Police (PNP) spokesperson, C/Supt. John Bulalacao nitong Lunes.

Mula 23 Marso hanggang 2 Abril, nakapagtala ang PNP ng 64 insidente na may kaugnayan sa pagkalunod habang 10 ang vehicular accidents.

Ang iba pang naitala ay dalawang insidente ng pagnanakaw, tatlong physical injuries, tatlong sea mishaps, isang act of lasciviousness, isang arson at dalawang insidente ng pagkakoryente.

Sinabi ni Bulalacao, ang karamihan sa mga nalunod ay mula sa Region 4A  (Calabarzon) na 10 katao ang namatay, kasunod ng Region 3 (Central Luzon) may walong namatay, anim sa Region 2 (Cagayan Valley), apat sa Region 5 (Bicol Region), tatlo sa Region 13 (Caraga), at dalawa sa Region 11 (Davao Region).

Habang tig-iisa sa Region 1 (Ilocos Region), Region 4B (Mimaropa), Region 6 (Western Visayas), at Region 7 (Central Visayas).

Ang lahat ng mga insidente ay naitala magmula nang ilunsad ng PNP ang kanilang 90-day summer security plan na tinaguriang “Ligtas Summer Vacation (Sumvac) 2018” noong 23 Marso.

Nakapagtala rin ang PNP ng isang namatay dahil sa vehicular accident sa Region 2 (Caga-yan Valley) habang isa ang namatay sa pagkakoryente sa Region 11 (Davao Region) at isang namatay dahil sa sea mishap sa Region 6 (Western Visayas).

“Habang meron ta-yong summer vacation, inaasahan natin na ang ating mga kababayan ay patuloy na pupunta sa mga vacation areas and we are not discounting the fact that there will be more incidents that would happen during the summer vacation,” pahayag ni Bulalacao.

“We are reminding our constituents na kung maaari ay maging alert sila, mapagma­tiyag… Dini-discourage din namin yung mga kababayan natin na hindi marunong lumangoy na [huwag] magpunta sa mga malalim na lugar na mga beaches,” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *