Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, lucky charm ng BeauteDerm!

ISA ang premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez sa pambatong ambassador ng BeauteDerm. Mula nang naging endorser siya ng produktong ito na pag-aari ng masipag na BeauteDerm CEO na si Ms. Rei Tan, lalong humataw ang sales nito at parang kabute na nagsulputan ang maraming branches nito.

Kaya inusisa namin si Ms. Sylvia kung ano ang reaction niya dahil tila siya ang lucky charm ng BeauteDerm?

Sagot ng award-winning actress, “Matagal ng malaki ang BeauteDerm, marami nang gumagamit nito dito sa ‘Pinas at sa abroad. Yes, naging lucky charm ako ng BeauteDerm at naging lucky charm ko rin ang Beauterm at ang owner na si ReiRei Tan, pareho kaming nagkatulungan at naging pamilya ang mga pamilya namin.

“So, sa totoo lang, naging lucky charm namin ang isat isa.”

Nabanggit pa ni Ms, Sylvia na deserve ni Ms. Rei ang tinatamasang success ng BeauteDerm.

“Yes, deserve niya kasi ang isa rin sa pinaka-goal niya ay ang matulungan ang kapwa niya, napaka-good ng heart niya,” pakli pa ng bida sa Hanggang Saan.

Dahil nag-post si Ms Sylvia ng ganito sa Instagram, “Opening soon Skin and Beyond by beautéderm in Butuan! Were all excited! So CARAGA Butuanons and Nasipitnons get ready! #beautéderm#thankuLORD” Kaya inusisa rin namin ang bubuksan niyang branch nito.

“Yes, soon sa Butuan City, by August uumpisahan,” pakli pa ni Ms. Sylvia.

Bakit po ninyo naisipang magtayo rin ng BeauteDerm sa Butuan?

Esplika niya, “Bumilib ako sa produkto at ang dami talagang binagong buhay nito na na-witness ko mismo, at napaka-effective kasi talaga na produkto ng BeauteDerm. Hindi ako magtatayo ng sarili kong branch nito kung wala akong believe sa ibebenta kong produkto.”

Hinggil naman sa kanyang top rating teleserye sa Kapamilya Network, sobrang thankful ni Ms. Sylvia sa suporta ng televiewers dito. Kaya naman talaga raw pinapaganda ang show nila at lagging maraming mga pasabog na dapat abangan dito ng mga suki nilang televiewers.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …