Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paa ng barker putol sa pulley ng SM sa Iloilo

ILOILO CITY – Naputulan ng paa ang isang barker nang mabagsakan ng nahulog na pulley mula sa tower crane sa ginagawang mall sa lungsod na ito, nitong Sabado.

Dahil sa malakas na impact nang pagbagsak ng pulley, agad naputol ang paa ni alyas Sam, 17-anyos barker.

Agad siyang isinugod sa Iloilo Doctors Hospital.

Ayon sa ama ng biktima, hindi siya makapaniwala sa nangyari sa anak na pumalit lamang sa kaniyang kapatid sa pagtulong sa mga motorista sa parking area.

Nabagsakan din ng iba’t ibang bagay ang ilang kalapit na bahay sa ginagawang mall.

Bumagsak ang isang bakal sa kuwarto ng bahay ni Roger Raymundo. Walang natutulog sa kuwarto nang mangyari ang insidente.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang SM dahil sa isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Habang humingi ng pinansiyal na tulong ang pamilya ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …