Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison

Murder suspect tumakas sa Malabon City Jail (Misis may BF na)

PINAGHAHANAP ng mga awtoridad ang isang murder suspect makaraan tumakas mula sa Malabon City Jail, kamakalawa.

Agad nag-alok ang Bureau of Jail Management and Penology ng P20,000 cash reward para sa sino mang makapagbibigay ng kahit anong impormasyon para madakip ang suspek na si Arjay Aparri, alyas Nognog Cordero, 29, residente sa Blk. 9, Lot 34, Phase 2 A3, Brgy. Longos ng nabanggit na lungsod.

Si Aparri ay inaresto at nakulong sa Malabon City Jail noong 5 Oktubre 2015 hanggang siya ay naging isa sa mga tagapangasiwa ng mga bilanggo sa loob ng city jail.

Tumakas ang suspect sa gitna ng “Pabasa” sa pamamagitan ng pag-akyat sa rooftop ng limang palapag na gusali ng city jail sa Brgy. Catmon dakong 5:15 ng madaling araw.

Nagpadausdos muna siya sa tubo sa gilid ng gusali bago tumalon sa bubong ng isang bahay sa gilid ng city jail, pahayag ng pulisya.

Ayon sa source ng pulisya, tumakas si Aparri makaraan makatanggap ng impormasyon na ang kanyang misis ay may karelasyon nang ibang lalaki.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …