Sunday , December 22 2024
Boracay boat sunset
SA kabila ng mga problemang kinakaharap tungkol sa sewerage system ng mga resort sa Boracay Island ay marami pa rin ang pumupunta rito para magbakasyon at matunghayan ang paglubog ng araw. (MANNY MARCELO)

Boracay, nawawalang paraiso sa Malay, Aklan

PARANG lumulubog o naglalahong isla ang Boracay sa Malay, Aklan. Lumulubog dahil hindi na napanatili ang katangian nito bilang isang paraiso.

Kumbaga sa isang isla na may mina ng ginto, dati ang mga nagpupunta sa Boracay ay naliligo lang, naglulunoy sa dagat hanggang matuklasan ang mina ng ginto.

Pumingas ng kapirasong ginto. Pero nang ma-realize nilang malaking kuwarta pala iyon, muling bumalik at nag-isip kung paanong makadarambong nang mas malaking tipak ng ginto.

Hanggang umangkin na ng maliit na solar at lumaki nang lumaki at hanggang angkinin na ang isla at sila na ang nagbebenta ng mga solar.

Siyempre, ang batas dito, kung sino ang may mas malaking cash, sila ang magkakaroon ng malaking solar.

Hanggang isang araw, napagtanto na lang nila na ang islang dating pinagpapalahan nila ng malaking ginto ay isa na ngayong ‘pambansang kubeta.’

Kasi nga, sa laki ng kuwartang napapala nila rito, nakalimutan nilang alagaan, puro bulsa lang nila ang kanilang inalala – inabuso ang Boracay.

At nabunyag mismo ‘yan nang umamin ang konseho ng munisipyo na pinayagan nila ang P500-million casino project sa Boracay nang walang konsultasyon sa publiko bago pa nila ideklara ang moratorium sa proyekto ng higanteng casino operator, ang Galaxy Entertainment Group (GEG) at ang local partner nilang Leisure Resorts World Corp. (LRWC).

Ayon kay Malay Vice Mayor Abram Sualog, ipinasa ng municipal council ang resolusyon dahil mayroon na umanong mga casino sa isla na tumatanggap ng mga foreign passport holders gaya ng Chinese nationals.

Ang mga Chinese national ang marami at madalas ay kabilang sa junket.

Pero matapos nga ang nagngangalit na sermon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at tinawag na ‘pambansang kubeta’ ang Boracay, hayan naglabas ng moratorium ang municipal council.

Dumagsa na rin ang protesta laban sa casino kabilang na ang pagtutol ng Catholic Church sa Aklan at ibang residente sa Boracay.

Heto pa ang malaking eskandalo, nabunyag ang Macau junket nina Aklan Gov. Florencio Miraflores at Malay Mayor Ciceron Cawaling sa Macau sa imbitasyon ng GEG.

Wattafak!

Wala na ba talagang delicadeza ang local officials ng Malay, Aklan?!

Ang retrato ng kanilang junket ay nakita sa post ng resort owner na si Leonard Tirol kasama sina Miraflores, Cawaling at dating Malay municipal councilor at ngayon ay broadcaster na si Jonathan Cabrera.

Ang ‘Boracay Group’ ayon sa caption ng retrato ay inimbitahan ng Galaxy Macau.

Heto ang nakapagtataka, kung dati na palang may mga casino sa Boracay na may mga kliyenteng dayuhan o foreign national, bakit hindi nag-iingay ang local government?!

Bakit bukod tanging, sa isyu ng Galaxy nag-iingay ang ‘komunidad’ at LGU officials at ang simbahan?!

Ano ang ‘lihim ng Guadalupe’ sa isyung ito?

Ngayon, nagtataka pa ba tayo kung bakit ang isla ng Boracay ay maituturing na paraisong lumulubog o naglalaho sa lalawigan ng Aklan?!

Paano natin sasagipin ang Boracay kung bawat ‘aksiyon’ at ‘malasakit’ ay tila ‘kontaminado’ na rin ng pansariling interes?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *