HINATULAN ng Kuwaiti court “in absentia” ang isang Lebanese at kanyang Syrian wife ng bitay kaugnay sa pagpatay sa isang Filipina maid, ayon sa judicial source.
Inihayag ng korte ang hatol sa unang pagdinig sa kaso ni Joanna Demafelis, ang 29-anyos maid na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait.
Ang hatol ay maaari pang iapela kapag bumalik ang mag-asawa sa Kuwait, ayon sa source.
Ang pagpaslang kay Demafelis ay nagresulta sa diplomatic crisis sa pagitan ng Kuwait at Filipinas, nagbunsod ng pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng deployment ban sa mga nagnanais magtrabaho sa Gulft state.
Ang Lebanese-Syrian couple ay inaresto nitong Pebrero sa Syrian capital Damascus kasunod ng Interpol manhunt.
Dinala ng Syrian authorities ang mister na si Nader Essam Assaf, sa Lebanese authorities, habang ang kanyang Syrian wife ay nanatili sa kustodiya sa Damascus.