Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Binti ng SumVac putol sa bus (Sa Quezon)

NAPUTOL ang kaliwang binti ng isang road safety volunteer makaraan mahagip ng isang pampasaherong bus habang sakay ng motorsiklo sa Gumaca, Quezon, nitong Linggo.

Ayon sa ulat, nakatawag pa sa kanyang mga kapwa Ligtas SumVac (summer vacation) volunteers ang biktima gamit ang hawak na handheld radio makaraan siyang mahagip ng Raymond Trans bus, na may body number na 9418, sa bahagi ng Maharlika Highway sa Brgy. Hagak-hakin nitong madaling-araw ng Linggo.

Sa mga retrato mula sa Gumaca Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kitang naputol ang buto ng biktima sa kanyang kaliwang binti.

May iba pang sugat ang biktima sa ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa MDRRMO, papauwi ang biktima nang mahagip ng bus. Hindi pa inihahayag ang pangalan ng SumVac volunteer.

Habang nasa kustodya na ng lokal na pulisya ang driver ng bus.

Napag-alaman na handa umanong makipagtulungan ang may-ari ng Raymond Trans sa biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …