Saturday , November 16 2024
dead gun

2 promotor ng tupada, 1 pa patay sa duelo (Nitong Biyernes Santo)

PATAY agad ang dalawang gang leader at isang tauhan, habang lima ang sugatan makaraan magduwelo ang dalawa sa isang tupada sa Canlaon City, Negros Oriental, nitong Biyernes Santo ng hapon.

Patay sa insidente sina Elmer Patinio, Glenn Galvan at Victor Bravo.

Sugatan sina Jeric Patinio, Mark Glenn Galvan, Edmund Galvan, Alex Taburada, at Nemencio Bucog.

Sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, nagpapasabong ang grupo ni Patinio nitong Biyernes Santo, na nagkataong araw ng palengke sa Sitio Tabalogo, nang maganap ang barilan.

Sinabing nagduwelo sina Elmer Patinio at Glenn Galvan dahil sabay silang bumunot ng baril at nagpaputok nang magkaharap.

Patay agad ang dalawa at nadamay si Bravo.

Makaraan ang duwelo ng dalawa, bumunot din ng baril ang iba pang kasamahan nila saka nagbarilan.

Si Bucog, na isa sa mga sugatan, ay nadamay at ang iba pang nakilalang sugatan ay pawang kagrupo nina Patinio at Galvan.

Tinutugis ng mga awtoridad ang mga nakatakas na miyembro ng dalawang grupo na matagal na umanong may alitan.

 

Hataw News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *