MARAMING pinagkakaabalahang project ang veteran actor na si Richard Quan.
Isa siya sa casts ng pelikulang Citizen Jake na pinagbibidahan ni Atom Araullo at mula sa pamamahala ni Direk Mike de Leon.
Nagbigay si Richard nang kaunting patikim ukol sa pelikula.
Saad ng aktor, “The story evolves kay Jake (Atom) na anak ng isang senador na may kapatid na congressman, played by Gabby Eigenmann, so sina Gabby at Atom ay magkapatid dito, ako ‘yung hitman ng pamilya. So, all the secrets, all their dark secrets, sa akin dumaraan lahat.
“Smooth sailing sana until lumaki na si Atom, siyempre naging concious na sa nangyayari lahat, nagrerebelde sa tatay niya, to the point na sobrang laki ng kini-create niyang problema. Si Teroy (de Guzman) iyong senador na father niya. Si Jake ay isang journalist bale rito,” saad ni Richard.
Dagdag niya, “Ang movie ay isang drama-suspense thriller, I think. It’s a family-drama with a touch of suspense… And alam mo naman si Direk Mike, hindi ba? Laging ang mga pelikula niya ay may underlying na ano, political… laging mayroon iyan, hindi ba?
“Hindi ako sure ha, pero the way I see it, I think ang Citizen Jake ay nire-represent ang mga mamamayan na nagtatanong, questioning everything, na parang nagiging aware, ganoon. And the family represents iyong mga powerful and yet corrupt people na nasa bansa natin.”
Bukod sa kanyang paghanga sa director nila rito, nabanggit din niyang bilib siya sa mga kasamang aktor.
“Yup, mahusay lahat po, from Teroy, Luis (Alandy), Gabby Eigenmann and Atom… Si Luis hindi ko nakilala when I saw him noong first day ko, in character kasi siya, si Atom is one of the most dedicated first time-actor I’ve worked with.”
Mapapanood din si Richard sa mga pelikulang Ang Mga Halang, written and directed by Ferdie Galang at Spider’s Man with Fil-Italian actor-director na si Ruben Maria Soriquez.
Bahagi rin siya ng TV series na Bagani ng ABS CBN na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ano ang role niya sa seryeng ito ng Kapamilya Network?
“As Undoy… adviser ng datu ng mga taga-laot (mga mangingisda) played by Enzo Pineda. Pero mayroon akong hidden evil plan at some point, I will join forces with other leaders of different region to execute our evil plan.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio