Saturday , November 16 2024

13 katao todas sa apoy (Sa Bulacan: eroplano bumagsak sa bahay; Sa Maynila: Waterfront Manila Pavilion Hotel nasunog)

UMABOT sa 13 katao ang namatay sa apoy makaraan ang magkasunod na trahedya sa Plaridel, Bulacan at sa Ermita, Maynila, nitong Sabado at Linggo.

Sampu katao ang namatay habang dalawa ang sugatan makaraan bumagsak ang isang light aircraft sa isang bahay habang nanananghalian ang isang pamilya sa Purok 3, Brgy. Lumang Bayan sa Plaridel, Bulacan, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Bulacan PNP provincial director, S/Supt. Romeo Caramat Jr., ang mga namatay sa bumagsak na eroplano na si Capt. Ruel Meloria, mga pasahero niyang sina Elisha Necesario, Ma. Vena Palunan, Romeo Huenda at Melvin Melgar habang ang mga biktimang binawian ng buhay mula sa nabagsakang bahay ay sina Luisita Santos, 80; Rissa Santos Dela Rosa, 34;  Jhon Jhon Dela Rosa, 17; Timothy Santos Dela Rosa; 11, at Trisha Santos Dela Rosa, 7-anyos.

Sugatan sa insidente ang vendor na kinilalang si Virginia Marquez at ang apo niyang si Santino Yuri.

Ang sangkot na eroplano ay isang Piper PA-23 Apache 6-seater twin-engine light aircraft na may registry number RP-C299, at ino-operate ng Lite Air Express.

Sa inisyal na ulat, ang eroplano patungong Laoag, Ilocos Norte, umalis mula sa Plaridel airstrip dakong 11:21 am at ilang saglit lamang ay bumagsak sa bahay ni Luisita Santos sa nasabing barangay.

Ayon sa mga saksi, sumalpok ang eroplano sa isang puno at poste ng koryente bago bumagsak sa nasabing bahay.

Hindi pa nabatid ang sanhi ng insidente.

Samantala, agad nagresponde sa pinangyarihan ng insidente ang accident investigators mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at isang team mula sa Flight Safety and Inspectorate Services (FSIS), ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio.

Ang lahat ng eroplano na ino-operate ng transport and courier company,  ay hindi muna pinayagang lumipad habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng insidente, dagdag ni Apolonio.

Sa Maynila, tatlo katao ang patay sa sunog sa bahagi ng Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino sa UN Avenue sa Ermita, nitong Linggo.

Unang napaulat na apat ang dead on arrival sa Manila Doctors Hospital, kabilang ang isang security guard, ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC).

Ngunit sinabi ni Jojo Garcia, general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isa sa apat na napaulat na dead on arrival ay na-revive ng mga doktor.

“Apat ang dead on arrival, pero na-revive ‘yung isa. So we give credit also to the doctors,” ani Garcia sa pulong bali-taan nitong Linggo ng hapon.

Nauna rito, inihayag ni Johnny Yu, direktor ng Manila DRRMC na may 19 hanggang 20 umanong na-trap sa ikalimang palapag ng gusali. Ngunit may komunikasyon na aniya sa mga rescuer ang nabanggit na mga na-trap.

“They are now creating a team para i-penetrate ang 5th floor,” sabi ni Yu. “Buhay naman lahat, so far.”

Hindi pa malinaw kung paano nagsimula ang sunog bandang 9:00 am, ngunit na-contain ito sa pangalawang palapag ng hotel, ayon kay Insp. Crossid Cante, operations chief ng Bureau of Fire Protection-Manila.

May nagwe-welding sa naturang palapag na under renovation, ayon sa ilang empleyado. Bahagi ng casino ang ground at second floor, na mayroon din ilang restaurant.

Isinugod sa ospital ang apat katao na posibleng nahirapang huminga dahil sa usok, ayon kay Cante.

Hindi pa kinompirma ng BFP kung may na-trap sa nasusunog na gusali.

Habang tiniyak ng pamunuan ng Manila Pavilion na may mga inilatag nang hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at bisita.

Anila, maglalabas sila ng report kapag natapos na ang imbestigasyon sa insidente.

Itinaas ang sunog sa Task Force Bravo, na nangangahulugang kailangan magresponde ang mga fire truck mula sa mga kalapit na bayan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *