Sunday , December 29 2024
Cesar Montano Cine Turismo DOT TPB
Cesar Montano Cine Turismo DOT TPB

10 pelikula, binigyang pagkilala sa Cine Turismo

BINIGYANG pagkilala ng Tourism Promotions Board (TPB), attached agency ng Department of Tourism (DOT) na nasa pamumuno ni Cesar Montano ang 10 Filipino made at dalawang foreign movies na nagpapakita ng ganda ng Pilipinas at nakatulong i-promote ang Philippine tourism sa pamamagitan ng kanilang pelikula. Ang pagkilalang ito’y tinawag na Cine Turismo, ang bagong kampanya na pinamumunuan ni TPB under Chief Operating Officer Montano.

Ang sampung pelikulang binigyan ng plake ay naipalabas noong 2016 at 2017 at umaasa si Montano na magagawa nila ito taon-taon.

Aniya, isang paraan ang Cine Turismo para himukin ang mga film maker na gumawa ng mga pelikulang lalo pang magpapakita ng ganda ng Pilipinas.

“Plake pa lang ang maibibigay namin ngayon and hopefully sa mga susunod eh may kasama nang incentives at hopefully magawa namin ito taon-taon,” ani Cesar nang makausap namin bago simulan ang programa sa Diamond Hotel.

Ang 10 pelikulang binigyang pagkilala ay ang Sakaling Hindi Makarating ni direk Ice Idanan na kinunan sa Ilocos, Siquijor, Batanes, at Zamboanga; Lakbay2Love ni direk Ellen OngkekoMarfil na nagpakita naman sa kagandahan ng Timberland Heights at Benguet; Camp Sawi ni direk Irene Villamor na ginawa sa Bantayan Island; Patay na si Hesus na sa Cebu naman nag-shoot; Apocalypse Child ni direk Mario Cornejo na kinunan sa Baler; Siargao ni direk Paul Soriano na nag-showcase sa sila ng may kapareho ring pangalan; Requited ni direkNerissa Picadizo na nagtampok sa Mt. Pinatubo; Kiko Boksingero ni direk Thop Nazareno na nag-shoot sa Baguio; I Found My Heart In Santa Fe na sa Santa Fe, Cebu ginawa ang pelikula; at Paglipay ni direk Zig Dulay na kinunan sa bundok ng Zambales.

Special citations naman ang ibinigay sa South Korean films na Mango Tree na idinirehe ni Leeo Soo-Sung na kinunan sa Cebu at Romantik Island na idinirehe ni Cheol-Woo Kang na kinunan sa Boracay.

Napili ang mga naturang pelikula base sa mga criteria na—gawa ng Filipino production house; isang full length film (minimum ng 72 minuto); commercially released sa loob ng dalawang taon; ipinalabas sa ‘Pinas o sa isang international film festivals; nagpapakita ng destination extensively o kailangan ang setting ay majority ng mga eksena ay sa ‘Pinas; nagpapakita ng positibong istorya, general awareness sa mga local, at nakabuo ng positibong impact sa community at perception ng tao; nag-promote at naireserba ang culture at heritage at nagpakita ng istorya ng ‘Pinas; nagpayaman ng Filipino values at traits tulad ng kabanata, bayanihan spirit, hospitality, at patriotism; nakapagbigay-inspirasyon at saya sa manonood para gustong puntahan ang bansa o isang lugar; at nakatulong sa kita at makabuo ng mga trabaho, gayundin ng bagong negosyo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *