Thursday , April 17 2025

Libreng tuition sa kolehiyo simula sa Hunyo

SISIMULAN nang ipatupad ngayong Hunyo ang libreng tuition at miscellaneous fee para sa mga estudyante ng state universities and colleges (SUCs), local universities at colleges (LUCs) at technical-vocational institutions (TVIs).

“Doon sa universities and colleges, sa June dahil ang school year ng marami ay June nagsisimula. Sa ngayon, covered na sila ng P8-bilyon free tuition, so sa June ang madadagdag sa marami ay ‘yung libreng miscellaneous fees,” paliwanag ni office-in-charge Prospero de Vera ng Commission on Higher Education (CHEd).

Ito ay makaraan mailabas ng komisyon ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Agosto noong nakaraang taon nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala para sa libreng matrikula sa SUCs.

Sinabi ni De Vera, nakatakda silang mag-ikot sa buong Filipinas para ipaliwanag ang IRR.

Para maging kuwalipikado sa libreng matrikula at miscellaneous fee, dapat ay nakapasa ang estudyante sa admission at retention requirement ng eskuwelahan, wala pang undergraduate degree at hindi overstaying student.

Binanggit din niya na wala nang income requirement na kinakailangan para maging kuwalipikado sa libreng matrikula.

“Binago natin ang ating pilosopiya sa edukasyon. Noon kasi lahat magbabayad, ‘yung nangangailangan ng tulong bibigyan ng scholarship ng pamahalaan,” ayon kay De Vera.

Aniya, ang ipinaiiral ngayon na pilosopiya ng administrasyong Duterte ay libreng edukasyon para sa lahat.

“Yung mga mangangailangan pa ng dagdag na ayuda, mahihirap na estudyante, bibigyan ng pamahalaan ng dagdag na ayuda,” aniya.

Ang income requirement ay papasok para sa mga mangangailangan ng dagdag tulong mula sa pamahalaan.

“P40,000 ‘pag ikaw ay nag-aral sa state university at P60,000 pag nag-aral sa private university. Ito ay nakareserba sa mahihirap na kababayan natin,” aniya.

Hindi umano ibibigay ang stipend nang buo. Hahatiin ang kabuuang stipend sa loob ng 10 buwan, ayon kay De Vera.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *