Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NBI

Prosecutors bubusisiin ng NBI (Nag-absuwelto sa drug lords)

INIHAYAG ng Department of Justice nitong Miyerkoles, nagsimula na silang imbestigahan ang public prosecutors na nag-dismiss sa drug charges sa hinihinalang big time drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa.

Sa undated department order na inilabas sa media nitong Miyerkoles, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) “to conduct investigation and case build-up to determine possible misfeasance, malfeasance or non-feasance or other violations of law by members of the panel of the National Prosecution Service over the dismissal of the case.”

Ang 41-page resolution na nagbasura sa inihaing kaso ng Philippine National Police (PNP) ay inisyu nina Assistant State Prosecutors Aristotle Reyes at Michael John Humarang, na siyang nagsagawa ng preliminary investigation sa kaso.

Ang resolusyon ay inaprubahan nina Senior Assistant State Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon at Acting Prosecutor General Jorge Catalan, Jr.

Ang kaso ay kaugnay sa umano’y pamamahagi ng halos 90-kilos ng methamphetamine hydrochloride (shabu) sa regions 7 at 8 ng grupo ni Espinosa noong 2013 at 2015. Ayon din sa reklamo, nagkaroon ng apat na katulad na drug transaction at deliveries, sa hindi nabatid na dami ng shabu, at si Lim ang supplier, naganap noong 2014.

Bukod kina Lim, sinasabi sa reklamo na siya ang drug lord na si alyas Jaguar, kasama si Espinosa at convicted drug lord Peter Co, kasalukuyang nagsisilbi ng sentensiya sa New Bilibid Prison. Ang iba pang respondent ay sina Marcelo L. Adorco, Max Miro, Lovely Impal alias Lovely, Ruel Malindangan, Jun Pepito, Jermy alias Amang, alias Ricky, alias Warren, alias Tupie, alias Jojo, alias Jaime, alias Yawa, alias Lapi, alias Royroy, alias Marlon, alias Bay, at iba pang hindi pa kinikilala.

Sa nasabing resolusyon, sinabi ng panel na walang drug evidence na iniharap ang pulisya, at ang testimonya ni Adorco laban sa iba pang akusado ay “unreliable” at “uncorroborated.”

Dagdag sa resolusyon, “such bare and uncorroborated testimony alone… would open the flood gates to malicious and unwarranted prosecutions and in so doing, renege on our task to objectively and independently determine the cases that need to be filed in court and the persons who should be indicted for the criminal acts.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …