Friday , November 15 2024
dead gun police

Pinsan ni Parojinog itinumba sa Ozamis

PATAY ang pinsan ng pinaslang na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa Purok Malinawon, Brgy. Tinago, Ozamis City noong Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng pulis nitong Martes.

Si Sandy Daroy, 36, ay pinagbabaril ng hindi kilalang riding-in-tandem sa labas ng kanyang bahay pasado 5:00 ng hapon.

Si Mayor Parojinog at kanyang kaanak ay kabilang sa 16 katao na napa-tay noong 30 Hulyo 2017 nang makipagpalitan umano ng putok ang security personnel ng kanilang pamilya sa mga pulis na sinasabing magsisilbi ng search warrants.

Sa nasabing operas-yon ay arestado si Oza-miz Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kanyang kapatid na si Reynaldo, Jr. makaraan makompiska ang kalahating kilong shabu sa kanilang bahay.

Sinabi ni Supt. Lemuel Gonda, spokesperson ng Police Regional Office sa Northern Mindanao, iniimbestigahan nila ang posibleng motibo sa pagpatay kay Daroy.

Ang biktima ay nabatid na nagbebenta ng fashion accessories.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *