POSITIBO si Budget Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang national ID system ay maipatutupad ngayong taon kapag ganap nang naging batas.
“I think we can do it in one year … This will be up and running in one or two quarters,” pahayag ni Diokno sa mga mamamahayag sa breakfast forum sa Maynila, nitong Miyerkoles.
Nais mabatid ng Filipinas kung paano nagawa ng India na i-cover ang mahigit isang bilyon katao sa kanilang national ID system sa loob ng tatlong taon.
“India has a population of 1.4 billion and they were able to do it in three years, and we have a population of 100 million. So, I believe we can do it in one year,” ayon kay Diokno.
Umaasa siyang ang panukala sa national ID system ay maipapasa bilang batas sa susunod na linggo.