Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1 pelikula, 5 bagong show, handog ng SMAC TV Prod

MALAYO na talaga ang narating ng SMAC TV Productions simula nang itayo nila ito noong Oktubre 2013. Ang SMAC TV Prod sa pakikipagtulungan sa SMAC Talent Agency ay isang full service agency na nagre-represent sa kids, teens, young adults sa print, runway, TV commercials, films, industrial, corporate and promotion.

After a year ay itinayo naman nila ang Gawad Kabataan Pilipinas Inc., isang charity program ng Social Media Artist & Celebrities Television Production and Artist Center Philippines na ang Kabataan Youth Ambassador nila rito ay sina Justin Lee at Jonathan Solis. Layunin nitong makapagbigay-tulong o suporta sa mga kabataang nangangailangan ng tulong.

Sa paglaki ng SMAC TV Prod, kasabay ang pagdami ng shows at kabataang natutulungan.

Noong Marso 10 sa kanilang Trade Launch, ipinakilala at ipinakita ng SMAC ang kanilang mga bagong handog na proyekto. Isa na rito ang pelikulang A Lasting Love To Remember na pagbibidahan nina Justin Lee at Kira Balinger kabituin din sina Isaiah Tiglao, VMiguel Gonzales, Jimboy Martin, Paulo Angeles, Shirley Fuentez, Kamille Filoteo atbp..

Nariyan din ang Sing Like A Pro hosted by Justin Lee at Mateo San Juan kasama ang mga BJURORS na ang isa ay kolumnista ng ating pahayagang Hataw, si John Fontanilla at sina Sachzna Laparan, Jomar Lovena, Anthony Leodones, Mark Baracael, at DJ Alvaro. Mapapanood ito tuwing Sabado, 5:00 p.m..

Kasama rin sa bagong handog nila ang digital seryeng The Bad Boy In Love na pagbibidahan naman nina Mateo San Juan, Rish Ramos, at Isaiah Tiglao.

Nariyan din ang Black Authority, isang action pack online serye na pinagbibidahan nina Justin Lee at VMiguel Gonzales; Biyaheng Negosyo na mapapanood tuwing Biyernes 6:30 p.m. hosted by Justin Lee at VMiguel Gonzales; SMAC Rocks hosted by Justin Lee, Mateo San Juan, VMiguel Gonzales, at Isaiah Tiglao; at Rish Cam Tell hosted by Rish Ramos at introducing si Mark Carpio.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …