Saturday , November 16 2024

PAO, Pinoy health advocates supalpal sa eksperto

WALANG kaugnayan ang Dengvaxia sa pagkamatay ng dalawampu’t anim na bata na naturukan nito.

Sa pagdinig ng Senate Blue ribbon committee ni Senator Richard Gordon, lumabas ang totoo mula mismo sa bibig ng testigo ng mga nagsasabing nakamamatay ang Deng­va­xia.

Ayon kay Dr. Scott Halstead, pinaka-eksperto sa pananaliksik hinggil sa dengue virus, hindi umano nakalilikha ng malalang sakit ang dengvaxia, ang kauna-unahang anti-dengue vaccine sa buong mundo.

Taliwas ito sa nais palabasin nina Dr. Susie Mercado, Dr. Tony Leachon at hepe ng Public Attorney’s Office (PAO) na si Attorney Persida Acosta na nauna nang nangtakot sa mga tao kaugnay umano ng malalang epekto ng Dengvaxia sa mga batang nabakunahan nito ngunit hindi pa nagkakaroon ng sakit na dengue.

Ang sinasabi aniyang viscerotropism at neuro-tropism na nakita uma­nong pattern ni Dr. Edwin Erfe, na forensics expert umano ng PAO na pinamumunuan ni Acosta ay hindi maaaring maiugnay sa bakunang dengvaxia.

Sang-ayon sa 87-anyos Amerikanong eksperto na si Halstead, walang konkretong siyentipikong ebidensiya na magpapatunay na nalikha ng Dengvaxia ang sinasabing pamamaga ng mga lamanloob at utak ng mga bata.

Hindi umano nag­da­dala ng sakit na yellow fever ang dengvaxia sa katawan ng mga pasyente.

Pinatitibay lamang ng Dengvaxia ayon kay Halstead ang natural o likas na proteksiyon ng katawan laban sa dengue virus.

Sinabi ni Halstead na mabisa ang dengvaxia lalo kung ituturok sa mga batang nagkaroon na ng dengue. Pinabababa nito ang hospitalisasyon sa mga pasyente at 95 porsiyentong sila ay mapro-protektahan ng bakuna laban sa malalang dengue.

Sang-ayon din ang World Health Organization (WHO) sa mga pahayag ni Halstead.

Sa 19 bansang gumagamit ng Dengvaxia, ang Filipinas ang tanging bansang nagkaroon ng kontrobersiyang likha umano ng mga self-proclaimed health advocates na hindi rin naman pala nakapagbasa hinggil sa sakit na dengue.

Sa mga pahayag ni Halstead, direktang nasupalpal ng eksperto sa dengue research sina Mercado at Leachon na nagpahayag ng interbyu sa midya at nagsabi na mayroon raw epidemya ng dengue sa bansa. Mariin at ilang beses itong pina-bulaanan ng Department of Health.

Ipinakalat ni Leachon na apektado umano ang mahigit 830,000 batang nabakunahan ng Dengvaxia. Nalagay daw sa panganib dahil sa epektong dulot ng bakuna laban sa dengue.

Samantala, naiulat na si Mercado ang nagpakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa viscerotropism at neurotropism na mariing tinutulan ng mga tunay na eksperto at mga doktor sa University of the Philippines-Philippine General Hospital maging ng mga batikang epidemiologists at mga Filipino na eksperto sa infectious disease.

Nagdulot ng pagkatakot at histerya ang mga pahayag ni Acosta na nagsabing mahigit 26 bata ang namatay dulot ng pagkaturok sa kanila ng bakunang Dengvaxia.

Hindi na nakuha ang mga reaksiyon nina Mercado, Leachon at Acosta na magpahanggang ngayon ay hindi mahagilap matapos masupalpal ng sarili nilang testigong eksperto.

HATAW News Team

FINDINGS NG PAO
KINONTRA
NG DENGUE EXPERT

KINONTRA ni international dengue expert Dr. Scott Halstead ang naunang findings na inilabas ng Public Attorney’s Office (PAO) ukol sa resulta ng kanilang autopsy sa ilang batang namatay makaraan bakunahan ng dengvaxia, na ito ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.

Sa pagdalo ni Halstead sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ukol sa dengvaxia, sinabi niyang hindi basta-bastang sa simpleng autopsy agaran nang mapapatunayan na ang dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ng mga batang binakuhanan.

Magugunitang nag-autopsy ang PAO sa pangunguna ni Dr. Erwin Erfe, at inilabas ni PAO chief, Atty. Persida Acosta ang resulta at tinukoy na ang pagkamatay ng mga batang nagkaroon ng dengue ay dahil sa bakunang dengvaxia.

Iginiit ni Halstead, isang masusing pag-aaral ang kailangang isagawa bago tuluyang matukoy o masisi ang bakunang dengvaxia na sinabing sanhi ng pagkamatay ng 26 bata.

Iginiit ni Halstead, hindi rin maaaring iugnay ang viscerotropic at neurotrophy sa dengvaxia vaccine dahil mahirap itong agarang masabi.

Si Halstead, batay sa isang science publications, ay isa sa kilalang mga dalubhasa sa mundo na nagsasasagawa ng pag-aaral ukol sa dengue at mahigit 60 taon na siya nang simulang pag-aralan ang mga sakit na dulot ng mga lamok habang siya ay nagsisilbi sa US Army Medical Corps sa Asya at nakapaglathala  ng 189 na artikulo ukol sa dengue virus.

(NIÑO ACLAN)

PONDONG
NAI-REFUND
NG SANOFI
GAGAMITIN
SA DENGVAXIA
PATIENTS

PLANO ng Department of Health na gamitin ang naibalik na P1.16 bilyon mula sa hindi nagamit na Dengvaxia, bilang pampagamot sa mga nabakunahan ng dengue vaccine.

“Sumulat ako sa (Department of Budget and Management) at sa Senado at House (of Representatives) para ipagpaalam kung bigyan kami ng pahintulot na gamitin ito para sa mga gastusin sa pangangalaga ng ating mga Dengvaxia vaccinee na magkakaroon ng posibleng sakit sa hinarahap na panahon,” ani DOH Secretary Francisco Duque III.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *