MARAMI pang dream projects ang masipag na director na si Neal Tan, kabilang dito ang mai-direk ang mga premyadong aktres na sina Ms Nora Aunor at Ms. Vilma Santos. Pero sa ngayon, isa sa pelikulang masa-sabi niyang proud siya ang katatapos lang niyang gawin na pinamagatang Men In Uniform.
“Ito ay isang advocacy film na tinatampukan nina Alfred Vargas, Jeric Rabal, Rommel Padilla, Empress Schuck, at Rayver Cruz,” paha-yag ni Direk Neal.
Idinagdag pa niyang natutuwa siya dahil maayos ang shooting nila ng naturang pelikula. “Very cooperative lahat dito, ang genre nito ay action/drama/documentary. Ang story and screenplay ko ito. Men In Uniform is a project of PCRG (Police Community Relations Group-PNP) produced ng Bagsay Lahi batch ng PNPA headed by Leonora Sy.
“Kuwento ito ng five police who dedicated their lives in the call of duty. The purpose of this film is to encourage the people in bringing back the trust in the PNP. The act of bravery of these police officers displayed the extraordinary courage and professionalism in a circumstance of peril and exemplary performance beyond the call of duty is worthy of emulation among their fellow officers in the police service and to uplift the image of the Philippine National Police (PNP).
Nasabi rin niya ang na-raramdamang satisfaction sa paggawa ng pelikulang tulad nito. ”Ibang satisfaction ang gumawa ng isang advocacy film, ‘di ka na magwo-worry kung kikita o hindi, dahil advocacy nga, lalo na at may sariling market ito. Mostly kasi, hindi para kumita ang main purpose ng producer kung hindi maglahad ng mensahe.
“Bale secondary na lang siguro ang kumita o bumalik man lang ang puhunan.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio