UMAASA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na matutuloy ang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa 14 Mayo sa kabila ng mga pagkilos upang ito ay muling iliban.
Sinabi ni DILG officer-in-charge Secretary Eduardo Año, sa nasabing eleksiyon ay magkakaroon ng pagkakataon ang publiko na ‘linisin’ ang hanay ng mga barangay official.
“The incumbent barangay officials have been elected by the people for a 3-year term only; at present they have already served for almost 5 years. That’s already enough. Let’s allow the people to either give them a new mandate or remove them from office,” aniya.
Sa kabila ng mga hakbang na muling pagliban, sinabi ni Año ang paghahanda para sa nasabing halalan ay “full blast” hangga’t walang naipapasang batas na nag-uutos nang muling pagliban sa eleksiyon.
Samantala, nagpahayag ng pangamba si Año hinggil sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency na 32.3 porsiyento o 6,744 mula sa 42,036 barangays sa buong bansa ang “moderately affected” ng illegal drugs, habang ang nalalabing isang porsiyento o 208 barangays ay “seriously affected.”
Aniya, sa nalalapit na eleksiyon, magkakaroon ng pagkakataon ang publiko na palitan ang mga lider ng kanilang komunidad at magtalaga ng mga higit na aktibo sa paglaban sa illegal drugs at susuportahan ang
kampanya ng gobyerno sa pagsugpo sa ilegal na droga, kriminalidad at koruspiyon.
“Many of the barangay officials have not even organized their Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACS). How can we win the war on drugs if our barangay officials are non-performing?” pahayag ni Año.
“We need a new set of barangay officials who are supportive of the agenda of change of the President. Let’s hold the elections so that the people can choose a new set of officials,” dagdag niya.