Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Prats Sam Milby Erickson Raymundo Cornerstone
John Prats Sam Milby Erickson Raymundo Cornerstone

John, Cornerstone ang tamang management sa directing career

HINDI man direktang sinabi ni John Prats, pero nakatitiyak kaming ang kaibigan niyang si Sam Milby ang naging daan para kunin niya ang Cornerstone Management Concept para mangalaga ng kanyang directing career.

Nasa pangangalanga ng Cornerstone si Sam kaya kilala na rin ni John ang president nitong si Erickson Raymundo.

Aniya, “Sa bagong journey na gusto kong mapuntahan sila (Cornerstone) ang nariyan. Matagal ko na silang kakilala because of my bestfriend Sam, kumbaga magkakilala na kami. Feeling ko talaga sila ang right manager pagdating sa directing career ko. Sila ang mas makatutulong sa akin. And true enough sila ang gumabay sa akin.”

Nasa ilalim ng Cornerstone Management ang, Cornerstone Concert na siyang nagma-mount ng matatagumpay na show at concert. Nauna na rito ang kay Moira dela Torre, ang Tagpuan na idinirehe ni Prats at ginanap noong February 17 at 18 sa Kia Theater.

Kaya naman hindi rin ikinaila ni Prats ang excitement sa pagkakasali sa napakaraming alaga ng Cornerstone.

“Excited ako after ng Moira concert,” anang kapatid ni Camille. “Kinausap ako nina Erickson at Richard (Poon) telling me at excited ako at una kong na feel na pressured ako. Pero alam kong nasa mabuti akong kamay. Alam kong gagabayan nila ako sa bagong yugto ng career ko,” sambit pa ni Prats na nakatakdang magdirehe ng pito pang concert sa ilalim ng Cornerstone Concert.

Ang pitong tinutukoy namin ay ang 18th Anniversary Concert ni K Brosas, ang 18K sa Abril 28 sa Kia Theater; 10th Anniversary concert ni Richard “The Crooner” Poon sa May 18 sa Newport Theater ng Resorts World Manila; ang kauna-unahang major concert ni KZ Tandingan sa June na gagawin sa Araneta Coliseum; Soul & R&B Royalties nina Jason Dy, Jay R, at Jaya sa Kia Theater sa Agosto; Erick Santos: My Greatest Moments sa Setyembre 22 sa MOA Arena; Concert for new Millennial artists top-billed by International Youtube Sensation AJ Rafael kasama sina Janina Vela, Kyle Echarri, Alex Diaz, Claudia Barretto, at Jayda; at ang The Divas Live II At The Big Dome sa Nov., nina Angeline Quinto, KZ Tandingan, Kyla, at Yeng Constantino.

Bukod kay Prats, may mga alaga ring field director ang Cornerstone tulad nina Joyce Bernal, Antoinette Jadaone, Irene Villamor, at iba pa.

Ayon nga kay Cynthia Roque, Artist Handler/Operations Manager, “Sa ngayon, additional sa amin si John bilang concert director. Siya ang first concert director na hawak namin.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …