Wednesday , January 1 2025
Gerard Butler Den of Thieves

Gerard Butler, papasukin ang Den of Thieves

PASUKIN ang naiibang mundo ng Los Angeles na ang mga pulis at mga magnanakaw ay magsasalpukan sa bagong   action thriller movie ni Gerard Butler, ang Den od Thieves.Ang Den of Thieves ay tungkol sa magkakonektang buhay ng mga The Regulators, isang elite unit ng L.A. County Sheriff’s Department; at ng The Outlaws, ang pinakamatagumpay na grupo ng mga magnanakaw sa L.A.

Pinangungunahan ng alpha dog na si “Big Nick” O’Brien (Butler) ang grupo ng The Regulators. Isa siyang career detective na gagawin ang lahat, mapigilan lang ang mga The Outlaws sa paggawa ng krimen. Ang Outlaws naman ay pinangungunahan ng kalmadong si Ray Merriman (Pablo Schreiber). Ang mga miyembro ng The Outlaws ay nagnanakaw gamit ang mga military skills na makukuha lamang mula sa military special ops service.

Pagkatapos ng ilang taon ng paggawa ng malalaking nakawan, ang Outlaws leader na si Merriman ay may bagong target. Ang pinakamalaking pagnanakaw na gagawin ng grupo nila: Pasukin ang Los Angeles branch ng Federal Reserve at nakawin ang $30-M na halaga ng mga unfit U.S. currency, bago ito sirain. Magnanakaw sila ng pera na walang mag-aabalang hanapin.

Samantala, nagsisimula nang gumalaw ang Regulators upang ma-link ang Outlaws sa ilang mga nakawan na hindi pa nalulutas at alamin ang kanilang susunod na mga galaw. At sa paghaharap at engkuwentro ng Regulators at Outlaws, malalaman nila na wala sa kanila ang lalaban ng patas. Walang bida at kontrabida sa kanilang labanan. Lakas laban sa lakas, hanggang umabot sa exciting at hindi inaasahang katapusan.

Ang Den of Thieves ay mula sa panulat at direksiyon ni Christian Gudegast, ang brilliant writer sa likod ng worldwide smash hit na  London Has Fallen. Binabasa niya ang non-fiction book na Where the Money Is, nang makita niya ang isang larawan sa Los Angeles Times; isang larawan na kuha mula sa Federal Reserve Bank, na may malaking ton ng pera. Ang librong ito ang ang larawan na kanyang nakita ang nagsilbing inspirasyon sa paggawa ng kuwento ng pelikula.

Na-inspire siya sa komplikadong relasyon ng mga professional bank robber at ng mga detective na tumutugis sa kanila. ”I was fascinated by the specificity of their worlds,” ani Gudegast, ”and how these two crews operate. Understanding what they do, and why they do it, became the fuel for the movie.” 

Tampok din sa pelikula sina Evan Jones, O’Shea Jackson Jr., at Curtis ’50 Cent’ Jackson. Ito rin ang directorial debut ng screenwriter at producer na si  Gudegast (London Has Fallen).

Mapapanood ang action-packed na Den of Thieves sa mga sinehan sa March 14. Ito ay handog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment. 

 

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Lustre Mali Elephant

Nadine nalungkot  preserbang katawan ni Mali idinispley 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na …

Pokwang apo Mae Subong

Pokwang lola na

MA at PAni Rommel Placente AFTER 4 years ay ngayon lamang ipinagtapat ni Pokwang na may apo …

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *