Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Seksing aktres, ginawang sugar mommy ni aktor

SA kasagdagan ng pakikipagrelasyon ng isang seksing aktres, isang araw ay nagising na lang daw siyang hindi niya pinangarap maging isang sugar mommy.

Isang kabanata ito sa buhay ng bida sa kuwentong ito na hangga’t maaari ay ayaw na umano niyang balik-balikan sa kanyang alaala, at bakit ‘ika n’yo?

“Eh, ‘di ba, ang madalas ma-link sa lola mo, eh, mga madadatung na lalaki? ‘Andiyang may politiko, may taga-showbiz din, may atleta, may broadcaster, at kung sinex-sinex pa! Talagang malakas ang kamandag ng hitad, pero huwag ka, sa isang ‘di naman kasikatang aktor siya nasira,” mahabang simula ng aming source.

“Kumbaga, kung ano ‘yung dating tinatamasa ng lola mo sa mga galanteng dyowa niya, eh, ‘yun naman ang ginigibsung niya roon sa aktor. Hitsurang sa abroad lang naman sila madalas bumiyahe, sagot niya, ha? At ‘di lang ‘yan, pati mudang ng aktor na ‘yon, eh, ipinagsa-shopping niya sa mga shala-shala at yayamaning mall! Kaso, one day, na-realize na lang ng hitad na teka, hindi pa naman siya tanders para maging azucarera de mama, ‘no! Kaya hayun, nakipag-break siya sa dyowang aktor!”

Da who ang seksing aktres na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Mara Minerva.

(Ronnie Carrasco III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …