Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
pia wurtzbach cathy garcia-molina

Pia, naiyak sa papuri ni Direk Cathy

HINDI napigilang maging emosyonal ni 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach sa presscon ng pelikula nila ni Gerald Anderson sa Star Cinema, ang My Perfect You nang tanungin kung ano-ano na ang nabago sa kanyang buhay at pinagdaanang hamon sa buhay.

Simula nang manalong Miss Universe si Pia, inulan na siya ng blessings bukod sa mga kabi-kabilang endorsement at iba pang proyekto, ngayon naman ay nabigyan siya ng launching movie. Matagal na rin naman kasing artista si Pia, subalit ngayon lamang talaga siya nabigyang pagkakataon para maging bida.

Ani Pia sa presscon ng pelikulang idinirehe ni Cathy Garcia Molina,  matagal na niyang pangarap ang maging isang aktres. ”’Yung pagiging lead artist, I think you could say ‘yun ‘yung first dream ko and now, finally, it’s coming true,” sambit niya habang naluluha-luha.

Naging emotional din si Pia nang purihin ni Direk Cathy ang kanyang acting sa My Perfect You.

Ani Direk Cathy, ”May scene na magagaling na artista lang ang makagagawa. Sabi ko sa kanya ‘to, and true enough she did it with flying colors.

Sambit pa ng dalaga, sa rami ng hirap na pinagdaanan niya, marami rin siyang natutuhan at nagpapasalamat siya sa Star Cinema sa pagbibiay ng launching movie na maarai niyang ipagmalaki sa buong universe.

Mapanonood na ang My Perfect You sa Marso 14 sa mga sinehan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …